Episode 13 *In love ~ Broken hearted*

16.5K 173 13
                                    

[Karen’s POV]

 

Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?

“Ay putek!”halos pasigaw na sabi ko at sinundan ng tingin ung nalaglag kong G-tech na ballpen sa sahig dahil sa pagkagulat

“Ano ba?” tinignan ko ng masama ung taong nanggulat sakin

Kawawang G-tech! Kabibili ko lang nun eh, malamang na hindi na un sumulat T______T

Lalo akong napakunot ng noo ng tahimik na umupo si Sherrill sa kaharap kong bakanteng silya at nangalumbaba sa lamesa. Aba’t nangaagaw pa ng eksena!

“Problema mo?” nakataas ang isang kilay na tanong ko dito

“Wala” simpleng sagot nito saka bumuntong hininga. Inirapan ko ito

 

 

 

“Ang alam ko, kaya kita pinapunta dito ay para tulungan ako sa problema ko, eh bakit parang mas malala pa ung problema mo? Anong nagyari sayo?” kumunot bigla ang noo ito

 

 

 

“Bwiset na Jeff un!” inis na inis na sabi nito

 

 

 

“Hoy, teka nga! Wag mo akong agawan ng moment huh! Ako dapat ang naiinis ngayon. Ako dapat ang dinadamayan mo. Ako dapat ang nagwawala sa galit! Kung bwiset si Jeff, mas bwiset si EJ sa kanya!” naiinis na sabi ko saka isinandal ang likod sa upuan at hinilot ang sentido ko

 

 

 

“Ano bang nagyari sa inyo? War of the world nanaman kayong dalawa? Hay naku! Ang hirap kasi sa inyo, pareho kayong tanga! Ang laking problema nga nyan te! Ung isa kasi sa inyo nasa in denial stage pa rin hanggang ngayon at duda ako kung makaka move on pa iyon. Ung isa naman, naku! Saksakan nga torpe at bagal kumilos. Para kayong naglalaro ng tagutaguan ah” napanganga ako sa sinabi nito

 

 

A way to get Pregnant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon