Episode 10.1 * Tears ~ Wish*

18K 184 13
                                    

[Karen’s POV]

Nag gagawa kami ni EJ ng kastilyong buhangin sa labas ng vacation house. Mataas na ang araw pero hindi naman mainit sa paligid. I wore two piece inside my over size tee. Habang ito naman ay naka short at blue tee.

Nakangiti ako habang inaayos ko ung kastilyong ginagawa namin. Para kaming bumalik sa pagkabata, na naglalaro pa rin ng mga ganitong bagay.

Matatapos na sana namin ung kastilyo ng biglang umalon ng malakas at naabot ng tubig ung kastilyo namin. It was destroyed when the time na maisip naming masyado palang malapit sa tubig ung pinag gawaan namin.

Napasimangot ako

“Nakakainis! Matatapos na eh” umupo ako sa buhangin at kumuha ng isang dakot nito sa kamay ko sabay bato sa dagat na parang batang nagmamaktol

Umupo lang ito sa tabi ko at nakangiting tumingin sakin

“Hayaan mo na, gagawa nalang ulit tayo. Ung life size pa kung gusto mo”

“Nye! Parang bata lang ang inuuto mo ah? Para sabihin ko sayo hindi na po ako bata” lumabi ako dito

“Sa hitsura mong yan, para kang bata. Ibili nalang kaya kita ng ice cream para gumaan ang pakiramdam mo? It always pacify kids when they feel like throwing a tantrum” ngumiti ito ng nakakaloko

Hinagip ko naman ang braso nito para hampasin pero nakaiwas ito.

“Ohhhh, Iiyak na ung bata” tumayo na ito saka tumakbo palayo habang tumatawa

Tumayo na rin ako saka ito hinabol. Natatawang sinundan ko ito ng pumunta ito sa may tubig at panaka nakang binabasa ako habang tumatakbo pa rin. Saglit na tumigil ito at walang tigil na binasa ako ng tubig sa pamamagitan ng paghampas nito duon.

Gumanti naman ako. Kaya ng mapagod kami ay pareho na kaming basang basa. Kahit pagod na ay nagawa ko pa rin lumapit dito at hampasin ito sa braso. Ngayon ay pareho na kaming tawa ng tawa

“Ang bagal mo” sabi nito sa pagitan ng paghalakhak

“Ang yabang nito! Palibhasa malaki kang tao” pabirong sabi ko naman

“Okay lang, gwapo naman” ngumiti ito

A way to get Pregnant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon