Dedicated to my ever loving sister Mic :) Salamat sis! Hindi mo ako sinukuan mhehehe :3 I love you and God bless! :')
[Karen’s POV]
Inihatid na kami ni Michael sa condominium unit namin at sya na rin mismo ang nagbuhat kay Karenz sa loob ng bahay. Matapos kong bihisan si Karenz ng pantulog nito ay hinarap ko ulit si Michael na nasa salas. Hawak nito ang picture frame na naglalaman ng picture namin ni Karenz
“Hindi ka paba pagod? Sa dami ng naging bisita kanina na kinausap mo, siguro dapat magpahinga ka na rin” sabi ko dito
“Alam mo bang ang saya saya ko” sagot nito habang ibinababa ang picture frame saka ito humarap sa akin
“I have my hopes, well… I keep my hopes up that you will accept my marriage proposal but I’m just so happy and until now, I still can’t believe that you will be mine” nakangiting sabi nito habang naglalakad papalapit sa akin
Nang makalapit ito ay hinawakan nito ang dalawang gilid ng muka ko. Tumitig itong maigi sa mga mata ko at dahan dahang bumaba ang muka nito papunta sa muka ko
The kiss is something that I’m used to. The same lips, the same gentleness, the same passion but I don’t quite figure out why every time he kissed me I was looking for something else. I know that he loves me and I love him too, I just don’t know how much…
Hindi ko namalayang napaupo na pala ito sa sofa dun at hindi ko rin alam kung paanong nagyari na naka- kandong ako dito.
“Uhm… M-Michael…” sabi ko habang pinipilit kong makawala dito pero patuloy lang ito sa paghalik sa akin
Bigla akong nataranta ng bumaba ang mga halik nito sa leeg ko
“Michale!” naitulak ko ito sabay tayo kaya naman napasandal ito sa sofa habang nakatingin sa akin
Dali daling tumalikod ako saka nagpunta sa kusina para makalayo dito. Hindi ko alam kung bakit pero parang nainis ako bigla sa iginawi nito kaya naman hangat mamaari ay gusto kong lumayo dito.
“Karen” sinundan ako nito hanggang sa kusina at tinawag pero hindi ko ito nilingon
![](https://img.wattpad.com/cover/1306549-288-k294792.jpg)
BINABASA MO ANG
A way to get Pregnant (COMPLETED)
General FictionKaren wants to have a baby of her own so she went looking for a suitable 'father to be'. What she doesn't know is that EJ, her best ever friend wants to be the father of her child and her husband as well. Misunderstandings, reconciliations and compl...