CHAPTER 23
Cassandra's point of view
Nagtataka na ako kay Knight ilan araw na siya wala paramdam sakin at message hindi niya magawa busy ba siya? Na kahit isa g message lang hindi niya kaya.
Hindi ako mapakali at kaunti pa naman ang tao dito sa coffee shop ano kaya kung puntahan ko siya sa office niya? Hmm.. good idea nice one Cassandra ang galing ko talaga ginayak ko muna ang gawa ko cupcake para sa kanya siguro dun ko nalang siya titimplahan ng coffee na favorite niya
" Ikaw muna bahal dito may kailangan lang ako puntahan at kausapin pero baka mamaya babalik din ako para tulungan kayo dito." Sabi ko sa assistant ko.
" Okay po Maa'm wala po problema ingat po kayo sa byahe." Tumango na lang ako at hinatid niya ako sa kotse ko para alalayan sa mga dala ko para kay Knight.
Maingat ako nag-drive papunta sa office niya at pagdating ko dun pinapasok ako agd ng guard buti naman at hindi na sila nagtanong sakin.
Tuloy ako sa paglalakad ko papunta office niya at yung mga nakakasalubong ko ay binabati ako sempre hindi naman ako mataray so binati ko rin sila pabalik at nguminti.
" Sobrang swerte ni Sir Knight kay Maam no ang bait niya kaysa dun kay Aliah ang sungit pangit naman ang ugali." Dinig ko sabi ng babae na kakwentuhan yung kasamahan niya palagi ba nandito si Aliah ano naman ang ginagawa niya?
Pagbukas ko ng pinto shit! Pumatak agad yung luha ko dahil sa nakita ko..
Si Knight at Aliah busy sa paghahalikan hindi ko nagawa langsak ang iyak ko at hindi ko maindihan kung bakit hindi ako umalis sa pwesto ko kahit na nasasaktan na ako sa nakikita ko.
Nakita ako ni Aliah at tuwang tuwang pa siya umalis agad ako dun at mabilis na sumakay sa elivator parang dinudurog ang puso ko sa nakita ko kanina kaya pala hindi na siya nagpaparamdam sakin kaya pala hindi na niya ako pinupuntahan dahil kay Aliah
Ang tanga ko bakit hindi ko 'yun napansin sumakay ako sa kotse ko at mabilis ako nagmaneho papunta park at buti nalang wala medyo tao dito so dito muna ako magpapalipas ng oras bago siya harapin at itanong kung may kami pa ba?
Stupid! Malamang wala na pero bakit Knight? Bakit mo sakin ginawa 'to?
Di ko alam kung ano oras na pero nandito siya sa tabi ko mahaba naman yung upuan kaya kasya kami dalawa pinilit ko hindi umiyak pero wala e, hindi ko kaya lalo na yung kanina nakita ko paulit-ulit siya nagrereplay sa utak ko
They kiss!
Putangina lang! May girlfriend ka pero nakikipaghalikan ka sa iba! Ang gago mo Knight!!
" Cassandra?"
" Yes." Hindi ko alam pero yung tuno sa pagsasalita ko parang wala na emosyon gusto ko lang matapos na 'tong araw na to at panganko kakalimuntan ko na ang lahat samin
" Nakita ko kayo Knight ang saya pala no bakit ka pa nandito? Diba nageenjoy ka naman kanina bat mo pa ako pinuntahan?" Tinignan ko siya sa mata bakit ka nag-iiyak diba ako yun dapat e dahil ako yun niloko mo
" I' m sorry Wifey." Bat ganun dahil 'pag naririnig ko ang salita wifey kinikilig ako pero ngayon wala na parang bula na bigla naglaho at napaltan ng galit. Sinampal ko siya ng dalawang beses at dinuro
" Wifey!? Really Knight nadidining mo ba niya sinasabi mo wow ha! Wow lang wifey pero may kahalikan na ibang babae ano sa tingin mo sakin tanga, manhid na ayos lang yun." Pumiyok na ako at mas lalo lang ako umiyak dahil kanina ko pa 'to gusto sabihin e wala lang ako lakas ng loob.
" Cassy.. mahal kita." Aniya niya kulang ba ata yung dalawa sampal na binigay ko sa kanya
" Gago ka ba! Mahal mo ako sino ang putangina maniniwala sa sinasabi mo ha Knight sino? Are you really stupid ano na nangyayari satin okay naman tayo e okay tayo nung huli usap natin pero bakit.." napaluhod na ako at sinubukan niya ako yakapin pero umiwas ako
" Don't just leave malinaw naman na makikipaghiwalay ka sakin kaya please umalis ka na." Patuloy parin ako sa pag-iyak at hindi ko namalayan na niyakap niya na pala ako
" I'm sorry Cassandra but.. hanggang dito nalang tayo." Tinignan ko siya ng diretso sa mata
" Aabot na tayo sa happy ending pero ikaw yung bumitiw satin dalawa. Nasan na Knight ang panganko mo Nasan! Wala na napako diba."
" Kahit naman ano gawin ko kung may mahal kana iba wala na ako magagawa. Ang baso nga nababasag, ang storya may wakas, ang bulkan pag pagod na sumasabog. Tayo pa kaya yung relasyon pa kaya natin" lumayo ako sa kanya " ito lang tandaan mo Knight minahal kita ng sobra at sa relasyon natin kahit kailan hindi ako nagloko pero pagdumating yung araw na wala na lahat ng pagmamahal ko saiyo sorry na lang dahil pinapangako ko hindi na kita babalikan."
Huli ko sinabi at umalis na sa park na minsan din namin pinuntahan
Hanggang dito na lang talaga tayo sayang lang dahil handa sana ako ipaglaban ka Knight pero sumuko ka na
Hindi ako robot na hindi nakakaramdam ng pagod tao lang ako at napapagod baka sa susunod na araw magbago na ako at 'yun ang hintayin mo makikita mo ako sa harapan mo na wala na pakialam saiyo.
Goodbye Knight Sebastian Dela Cruz..
The end na ang walang kwenta natin relasyon akala ko happy ending na may kumontra pa.
A/N
Don't forget to vote and keep safe everyone
Thank you!
BINABASA MO ANG
In Relationships With The Gangster (Book 2)
Romancesa muling pagtagpo ng tadhana kaila cassandra at knight magiging maayos pa ba ang relasyon nila o may isang malaki problema ang kinahaharap nila upang subukin ang kanilang pagmamahalan. tunghayan ang love story nila knight Sebastian Dela cruz at Cas...