Chapter 14: Memories is back
3rd person
" Maging alerto kayo sa kalaban dahil ang sabi sakin ni Carlos, meron silang baril. Mag-iingat kayo dapat ligtas tayo makauwi." Sambit ni knight tumango naman ang kanya mga kaibigan o mas kilala sa tawag na grupo.
20 sila lahat kasama si Carlos naghati sila sa tig-lima para palibutan ang maliit na bahay pero ang dami nagbabantay dito.
" Sino kaya may gawa nito kay Yael?" Tanong sa isip ni knight dahil hindi naman nasabi sa kanya ni Carlos ang totoo dahilan. Dahil si Yael nalang daw ang magpapaliwanag sa kanya.
Ang grupo ni Knight ay pumasok sa loob ng bahay at yung iba naman ay nakipag-suntukan na. Para mas madali mahanap nila Knight si Yael.
Inabot ng kahalating oras sila nakipagsuntokan at agawan ng baril sa tauhan ni Brando para mailigtas si Yael. Akala nila wala ng tauhan pero may isa pa pala at nabaril sa braso si Yael.
Mabilis naman ang kilos ni knight at nakipagsuntukan at tinapon ang baril sa malayo. Yung iba naman kasamahan niya ginapos ang mga tauhan para hindi sila nito masundan.
Inalalayan nila justine si Yael at dinala sa pinakamalapit na hospital.
" Pare ayos ka lang?" Tanong ni tristan kay Yael.
" Masakit pero okay lang atleast nakalabas na'ko sa lugaw na 'yun."
" Huwag ka na magsalita at magpahinga kana dahil malapit na tayo sa hospital." Sambit ni Knight, Sumunod nalang si Yael dahil masakit ang braso niya.
*
" Doc kamusta na po si Yael?" Tanong ni Tristan nasa tabi niya ang tatlo na sina Knight, Justine at Miguel. Yung iba umuwi na dahil nakakahiya naman pumunta sila lahat sa hospita eh 20 silang mga lalaki." He's okay but he need to rest."
" Thank you doc." Sambit ni Knight bago pumasok sila apat sa kwarto kung nasan si Yael.
" Thank you Knight. Salamat sa inyo lahat kahit na hindi tayo okay noon." Inabot ni Knight ang kamay niya para makipag- shake hands at ganon din ang ginawa ni Yael.
" Wala 'yun pre." Napaginti si Yael at nakipag-shake hands din sa tatlo.
" Magpahinga ka muna." Sambit ni Knight
" Sige pare, sa susunod nalang kita kakausapin medyo masakit yung braso ko e." Tumango naman si Knight bilang pag sang-ayon.
" So pano Yael kailangan na namin umalis." Pagpaalam ni Miguel.
" Salamat ulit sa inyo apat ingat kayo."
****
Knight's point of view
Already 8:00 at morning nakabihis na'ko at nakaporma na yung malupitan baka Knight Sebastian 'to. Buti naman at safe nadin si Yael pero nasa hospital parin siya ngayon nakaconfine at nagpapagaling. Ano kaya importante sasabihin nun sakin?
Ring!!
Sino ba 'yan extra pupuntahan ko pa si Cassandra. Pagtingin ko sa phone ko si Kristine pala ano kaya problema ng kapatid ko.
" Hello lil sister?"
" I hate you kuya knight!" Ouch! Nailayo ko ang phone ko sa taingan ko dahil sa lakas ng boses niya.
" What is your problem kristine?"
" Really kua Knight si Miguel ang magbabantay sakin no way!" Tumawa lang ako kahit kailan talaga hindi sila magkakasundo.
" Wala kana magagawa lil sister. Hanggang di ko nakakausap si Dad ng maayos si Miguel muna ang bahala sayo."
" Hays! I hate you na kua Knight." Aba! Walang galang 'yun sa nakakatanda kapatid ah binabaan pa niya ako ng phone.
Hays this girl!
Ring!!
" Ano ba lil sister tumigil ka nga kakareklamo mo dyan!" Naiinis ko sabi.
" Hubby... Puntahan mo'ko dito please.. ayaw ko sila kasama." Shit si wifey pala 'to
" Why are you cyring wifey?" Nag-alala ko tanong at kinuha ko agad ang susi ng kotse ko.
" Naalala ko na ang lahat Knight." Iyak sa ng iyak kaya hindi ko alam ang gagawin ko natataranta ako." Niloko nila ako ayaw ko na dito hubby.. please ilayo muna ako dito."
" Don't cry okay wifey papunta na'ko." Pinatay niya muna ang tawag at dali-dali ako nagmaneho para sunduin siya.
****
Cassandra's Point of viewNaalala ko na ang lahat kung paano kami naaksidenti ni mang Nestor. Papasok ako sa school nung araw na 'yun na meron bigla sumulpot na truck at nabangga kami pero alam ko hindi kami napuruhan at 'di namatay puro sugatan lang.
Hilong-hilo ako nun dahil meron ako sugat sa ulo at may bigla pumasok sa kotse namin lalaki siya pero hindi ko maaninaw ang mukha. Binuhat niya ako at dinala sa hospital pagkatapos nun wala na' ko ma-alala.
Ang masakit pa umamin na sakin si Mommy Letecia At Kenzo na kasadwat sila sa pagkawala ko. Aaminin ko galit na galit ako dahil tinuring ko na sila pamilya pero niloko nila ako.
I need to go home and see my true parents at si Knight na mahal na mahal ko.
Nandito ako sa labas ng bahay ni Mommy Letecia at iniintay na dumating si Knight.
Mabilis ang takbo ng kotse niya at pumarada sa harap ko at dali-dali siyang lumabas at pinahiran niya agad ang pisngi ko patuloy parin ako sa pag-iyak dahil ngayon nakaka alala nako.
" Shh.. wifey stop crying Im here 'di na kita iiwan okay?" Hinalikan niya ako sa labi at ramdam ko sa mga halik niya na kung gaano niya 'ko kamahal.
" I love you Knight." He hugs me sobrang higpit ng yakap niya sakin para ayaw niya ako pakawalanan.
" I love you so much Cassy.. sobrang mahal na mahal kita wifey, Masaya ako dahil naalala mo na ako at kami sobrang miss na miss kana nila tita at tito." Niyakap ko rin siya ng mahigpit.
" Miss na miss ko na rin kayo lalo na sila mom.."
Iba talaga ang nararamdaman ko ngayon masaya at parang buo na ang pagkatao ko. kahit na niloko ako nila mommy Letecia at Kenzo inalagaan naman nila ako ng mabuti. At excited na ako makita sila mom and dad i miss them so much..
**
A/NSorry for typo and Errors.
Don't forget to vote and keep safe everyone!
BINABASA MO ANG
In Relationships With The Gangster (Book 2)
Romancesa muling pagtagpo ng tadhana kaila cassandra at knight magiging maayos pa ba ang relasyon nila o may isang malaki problema ang kinahaharap nila upang subukin ang kanilang pagmamahalan. tunghayan ang love story nila knight Sebastian Dela cruz at Cas...