Ch. I
▬▬▬▬▬
"WALA KANG HIYA! Pagkatapos nang lahat ng ginawa ko para sa inyo ng kapatid mo, ito ang ipapalit mo sa akin?"
"Ilang beses na po akong nag-eexplain, tita. Pero hindi niyo po ako pinapakinggan. Ayaw niyo po akong bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag." Tumulo kaga'd 'yong luhang pinipigilan ko. 'Di ko na kailangang pilitan pa dahil tagos 'yong linya sa 'kin.
"Lumayas ka sa pamamahay ko, Eba! At 'wag na 'wag ka ng babalik pa!" Naninindig 'yong balahibo ko nang pandilatan niya ko. Kitang kita nga pati ugat niya sa leeg.
Kung totoo lang 'to, baka tumakbo na ko 'tsaka nagtago sa takot ko sa kaniya. Nakaabang na ang lahat para sa susunod na scene. For sure, lahat kami natitinag sa galing niya.
Mildred Ravena. 'Di pa rin ako makapaniwalang nagkaroon ako ng chance na makatrabaho siya.
Huminga ako nang malalim 'tsaka ko sinabi ang kasunod na line.
▬▬▬▬▬
Pagkatapos ng rehearsal, nilapitan ko kaga'd si Miss Mildred para magpa-thank you. Kaagad akong nag-bow habang kinakamayan siya. "Thank you so much po!"
"You're welcome, ija. See you tomorrow. Mag-ingat sa pag-uwi!" 'Di tulad kanina, mas warm na 'yong aura niya ngayon. Masungit ang mga tingin pero ang lively ng boses niya lalo na kapag kumakanta.
Nakipagkwentuhan pa 'ko nang kaunti, 'tsaka na lumabas ng rehearsal room. Mahirap na, baka hinihintay na ko ng sundo ko. Wala na ako sa makipagsagutan kapag na-late ng labas.
Practice pa lang 'yong kanina, pero naninindig na 'yong balahibo ko sa galing ni Miss Mildred. Hindi ko naman in-aaspire na maging gano'n kagaling kasi parang ang imposible naman, baka marating ko pa lang 'yon kapag may wrinkles na ko.
Pero pwede rin naman siguro? For sure mas malaki sweldo kapag sikat 'tsaka batikan talaga. Gaano kaya kalaki ng difference ng kinikita niya—
"Hoy!"
"Ay hoy ka! Conrad, peste ka!" Kaagad na dumapo 'yong kamay ko sa nakaabang na balikat ng biglang sumulpot na gunggong. Napasimangot pa siya sa sakit ng palo ko.
Pesteng 'to! Papatayin ako sa gulat!
Buti na lang nasa gate na ko, nakakahiya 'pag may nakakita pa sa'ming kasama ko sa loob.
"Ililibre mo ko."
"Peste ka, pagkatapos mo 'kong gulatin 'yan ang isasalubong mo?"
"Okay lang maging peste, basta ilibre mo ko. Hoy, baka nakakalimutan mo, hindi mo pa ko nilibre sa birthday ko." Pumalatak siya.
"Hoy ka rin, baka nakakalimutan mo na ikaw ang wala rito no'ng birthday mo. Anong gusto mo puntahan pa kita sa Tagaytay para lang ilibre ka? Ano ka sinuswerte?"
Naka-slacks pa siya 'tsaka white shirt, parang kauuwi lang galing trabaho sa Tagaytay.
"Dami pang sinabi nagpapalibre lang naman ako," bulong niya.
Ako pa ang naging madaldal, siya na nga 'tong nagpapalibre. "Tara na nga. Nasa'n ang kotse mo? Ayaw kong maglakad."
Bilis ngumiti nang gunggong na 'to sa narinig. Mukhang libre talaga e.
Hotel manager naman siya, ang hilig-hilig sa libre e ang dami niya namang pera.
Sa McDonalds lang din ang uwi namin sa tinagal-tagal niyang umisip nang kakainin. Choosy pa kasi.
BINABASA MO ANG
Spread Your Wings, Dorothea
ChickLitFor years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, she stood tall with her head held high; believing one day, she'll destroy those walls and live free...