Ch. XVII

67 6 7
                                    

Ch. XVIII

▬▬▬▬▬

SHIT.

Yumanig yata ang buong apartment nang mapasigaw ako pagkatapos basahin ang kasesend lang na email sa 'kin.

Natanggap ako sa audition. At, bullshit, Princess Jasmine ang role!

"AAAA!"

Napatambol ako sa lamesa habang nagsisigaw sa tuwa. Finally! 'Di na ako jobless!

Huh! May pang-ipon na 'ko para pambili ng kotse 'tsaka ng drumset. Tapos na rin ang hiatus ko sa wakas! Excited na 'kong mag-act ulit, mag-post ng mga behind the scenes sa Instagram story at inisin ang mga panget na bashers.

The Queen is back, bitches.

"Hah!"

This calls for a celebration!

Kaagad kong dinial ang number ni Conrad para yayain siya mamayang gabi. Sakto maganda 'yong napuntahan kong bar last week no'ng stress na stress pa 'kong naghihintay ng results. Do'n ko na lang sila ililibre.

"Hello!"

"Hoy napano ka!" 'sing energetic ng greeting ko kanina 'yong sagot niya.

"Umuwi ka rito mamayang gabi!"

"Ano ka sinuswerte?"

Ngumisi ako habang naghahanap ng Aladdin musical na panonoorin. "Ayaw mong palibre?"

"S'yempre gusto- naks, nakuha ka no!"

Napatango ako kahit 'di niya nakikita. "Natural ako pa ba!" Tumayo ako at binuksan ang mga bintana para pumasok ang liwanag. I smiled when the wind blew in.

Gan'to dapat ka-cheerful 'yong araw-araw ko e.

Natawa siya sa sagot ko. "Congrats, madam!"

"Ano punta ka ha? Libre ko kayo ni Saulas. Anong oras ka pwede?"

"Sige. Check ko kung anong oras pwede. Text kita."

"Okaaay!"

Sunod kong tinawagan sina Mama habang nanonood ng musical 'tsaka ko binalita sa kanila. Si Mama, walang katapusan 'yong mga tanong tungkol sa performance day e 'di pa nga kami nakakapag-rehearsal.

"Ay awa awa, Theyang! Datang kami kagad ken. Sabihin mo ka'gad sa 'kin kung kailan!"

Mas excited pa siya sa 'kin!

"I Jasmine 'di ba itang ketang A Whole New World? Ay ba, Lea Salonga ka ne. Ay kaburi keyta, bage meng bage! Nakang kalagu kanyan!"

"Awa, ma! Syempre, yaku pa ba?"

Pagkatapos ng isang oras na tawagan kay Mama, si Saulas naman ang cinall ko.

"Hi! Good morning!"

"Um, hi, morning."

"Nakuha ko 'yong role na in-audition ko no'n!" Kitang kita 'yong ngiti ko sa reflection ng laptop.

"Really, really? Congrats, Thea."

Alam ko namang walang sinabi ang level ng energy ko sa napaka-aloof na si Saulas pero bakit... parang mas lalong gloomy ang boses niya ngayon?

"Okay ka lang?"

"Mhm?"

"Parang ang lungkot mo naman? I mean 'yong boses mo?"

"Ah..." I heard someone shouting in the background. Then he sniffed. "Not really."

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon