Ch. IV

124 11 27
                                    

Ch. IV

▬▬▬▬▬

"KAPILAN KA MULI? Kayabe me'y Charlie?"

Binungaran ako ka'gad ng tanong ni Mama kung kailan ako uuwi 'tsaka kung sasama ko ba si Charlie pagkasagot niya ng tawag ko.

Tumunghay ako 'tsaka din-rum 'yong kamay ko sa lamesa. Two days na nga 'di pa rin kami nagkikita no'ng lalaking 'yon, sumama pa kaya sa pag-uwi ko ng Pampanga.

"Ekupa balu, ma." 'Di ko rin naman talaga alam kung kailan ako makakauwi. Pero malamang after na lang ng performance. Three weeks pa ang rehearsal namin bago ang opening night. "Anong ginagawa mo?"

"Maglutu ku, ika?"

"Ala, magpaynawa ku pa." Walang rehearsal ngayong Friday pero wala akong magawa kaya nagpa-practice ako kanina. Pagod na ko kaya tinawagan si Mama habang nagpapahinga. "Sinong kasama mong nagluluto? Patulong ka kay Darang Helen."

"Awa. Nag-CR siya." Naririnig ko 'yong pinapakuluan niya sa background. "Maglutu kung nilaga."

Sumimangot ako habang tinitingnan 'yong magulong kusina sa harap ko. Feeling ko tuloy naamoy ko na 'yong niluluto niyang nilaga. Mas lalo akong naglaway no'ng ma-realize na noodles na naman ang pagkain ko mamaya. Ba't kasi nakakatamad 'tsaka ang daming iniisip 'pag nagluluto? Tapos sa huli, maalat pa sa Dead Sea 'yong magagawa ko. "Nyaman na niyan, ma."

Tumawa siya. "Kaya pin dapat munta ka king birthday ku, ne? Banta atakmun muna ulit ing lutu ku."

. Buti talaga one week after closing day pa 'yong birthday niya. May time pa ko para magliwaliw muna sandali.

"Awa, natural. Muli ku talaga."

"Yabe me'y Charlie?" At napasok na naman sa usapan si Charlie.

Nice. Minsan talaga nakakainis din na gusto niya si Charlie e.

"Tabalu ta kaya-"

"Ay tipaklong!" May narinig akong nahulog. Sabi ko na! Tumae pa yata si Darang Helen sa tagal niya.

"Menan ka, ma?"

"Ating mebaldug. Kutsara ya yata, lawen munemo."

Peste, 'kala ko ano na! Buti hindi kutsilyo nahulog niya.

Pagka-on niya ng videocall, hinanap ko kaga'd 'yong nahulog niya. "Baba mo pa 'yong cellphone, ma. Sa kabila, 'ala d'yan e."

Saktong pagkakita ko, dumating na rin si Darang Helen. Muntik ko na sanang itanong kung bakit ang tagal niya kung 'di lang ako binawalan ni Mama. Alam niya naming mahirap naiiwan mag-isa si Mama sa kusina. Nakakakaba pa rin kaya.

"Shh, Theang, tuknang na ka. Bulag lang ako, hindi baldado."

Mama talaga.

"Sige na. Baba ko na. Luto ka na. Punta ba kayo sa closing night?"

"Awa, siyempre! Sinabi ko na kang Papa mu."

Ngumiti ako. 'Yon lang naman ang hinihintay kong marinig. Walang linalaktawang performance ko si Mama 'tsaka Papa. Kahit no'ng bata pa 'ko palagi silang present. Nakaka-boast lang ng confidence. Kung 'yong iba nahihiya sila kapag nanonood 'yong family nila, ako mas ginagahan ako. Si Mama naman 'yong dahilan kung bakit ito 'yong pinili ko in the first place.

Binaba ko na 'yong tawag 'tsaka tumuloy sa pagpapractice. Pagdating ng tanghalian, 'di pumayag 'yong t'yan ko na noodles na naman ang kakainin. Bumili ako ng chop suey. Dumaan na rin ako ng coffeeshop para bumili ng slice ng cake pangmeryende mamaya.

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon