Ch. VII
▬▬▬▬▬
HABOL KO ANG hiniga no'ng makauwi. Wala sa sarili akong umupo 'tsaka tumunghay sa basag na basong naiwan sa mesa.
Nagsimulang magkalamat 'yong relasyon namin ni Charlie no'ng mag-start ang Youtube channel. Maayos no'ng una, pero after some time, dala ng pressure, ng mga issues, nang paulit-ulit na paghahabol ng fame para sa pera, nagkada-letse-letse na.
Palagi kaming nag-aaway dahil sa mga content 'tsaka conflict sa schedule ko. Gusto niya araw-araw may bago kaming upload kahit alam niyang busy ako tuwing may rehearsals. 'Yon ang isa sa mga pinakamalaking pinag-awayan namin.
Pagkatapos no'n sa content naman na pinipilit niyang ipagawa sa 'kin kahit ayoko. 'Tsaka pa dumagdag no'ng mahalungkat na naman 'yong issue ko five years ago about cheating. Pati 'yong mga pagkikita namin ni Conrad nagiging issue na.
Alam ko namang may kasalanan rin ako kung ba't nagkaganito. Pareho lang kami. Kaya nga tinapos ko na. Matagal ko ng dapat ginawa, alam ko. Pero ngayon lang talaga unti-unting lumiwanag sa 'kin lahat.
'Di na ko papayag na sayangin pa 'yong panahon ko para sa relasyong alam kong sirang-sira na. 'Yong kinakapitan ko na lang talaga no'n ay 'yong ayaw kong maiwang mag-isa na naman. Pathetic na naman tingnan. 'Tsaka gusto kong ipakita sa mga tao na may magmamahal pa rin sa 'kin kahit sa mga nangyari. Mababaw siguro sa iba, pero 'yon talaga. Si mama na rin pala.
Napahilamos na lang ako ng mukha. Daig ko pa 'yong nag-rehearsal ng sampung oras sa pagod ko. Pumunta ako sa kwarto nang hindi na nagpapalit, humilata sa kama 'tsaka pumikit.
Kailangan ko ng magpahinga kasi baka bukas at sa susunod na mga araw, mauubusan na naman ako ng boses kasasalita.
▬▬▬▬▬
"Thea wala ka sa tono. Kanina ka pa. What's wrong with you?" hiyaw ng music director namin.
Tumingin lahat sa 'min. Peste. Nag-bow ako at nag-sorry ng paulit-ulit. 'Di ko rin alam. Wala ako sa mood. Masakit ang ulo ko, puson, 'tsaka lahat na.
"Sorry po. Pwede po ba akong humingi ng kahit 10 minutes break lang? Please po."
Bumagsak ang balikat niya. Kitang kita ang disappointment sa mukha niya. I know. Mas disappointed ako sa sarili ko.
No'ng payagan niya 'ko, nagmamadali akong pumunta sa CR. I drummed my fingers on the sink. Tinitigan ko 'yong sarili ko sa salamin. Okay naman ang mukha ko. May matte lipstick sa manipis kong labi. Okay din ang brown eyeshadow at eyeliner. Pwera na lang sa namumula kong mata.
Kahit gaano ko pa takpan kitang kita kung ga'no ako ka-bothered. 'Di matatakpan ng cosmetics 'yon. 'Ni 'di ko man nga matanggal ang kunot ng noo ko.
Three days na mula no'ng mag-break kami ni Charlie, nasaktan niya na nga ako't lahat, hiwalay na rin kami, pero 'yong effect no'ng break up, evident pa rin. Naapektuhan pa pati 'yong performance ko.
'Yong sakit, 'di dahil mahal na mahal ko s'ya, kun'di dahil sa lumagapak kong expectation sa relationship namin, kung pa'no mag-eexplain kay mama, 'tsaka kung paano maguumpisa ulit na ako na lang mag-isa. Pati na rin kung pa'no iwasan ang issue at 'di matawag na pathetic ng mga walang kwentang basher. Na ayun nga, nag-uumpisa na. Napasapo na lang ako sa noo.
Kalat na 'yong live video no'ng proposal ni Charlie sa 'kin sa social media. Ang dami ng chismis at speculations na nagsikalat. Hanggang ngayon nga, masakit pa rin 'yong mata ko dahil inabot ako ng madaling araw kadedefend sa sarili ko ro'n sa mga naninira na naman sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Spread Your Wings, Dorothea
ChickLitFor years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, she stood tall with her head held high; believing one day, she'll destroy those walls and live free...