Ch. XIV

62 5 1
                                    

Ch. XIV

▬▬▬▬▬

ILANG ARAW KONG hinayaan 'yong sarili ko na mag-isa. Pumunta sa iba't ibang resto-bar, nakinig sa iba't ibang 'di ko kilalang banda, nag-visit sa mga mga malalapit na tourist spots ng Metro Manila. Lahat ng mga bagay na ginagawa ko no'n na kailangan ko pa ng kasama, ginawa kong mag-isa.

Challenging sa una. Ilang beses akong nag-attempt na tawagan si Conrad para magpasama. Pero after some time, nagagawa ko naman na.

I'm realizing that maybe, it was just me who thinks that being alone is sad. Habang tinitingnan ko 'yong ganda ng nature, o kaya kapag nalulunod ako sa ganda ng music, 'di ko naman na naiisip kung masaya ba ako o hindi. 'Yong nasa isip ko lang ay 'yong oras na 'yon at kung ano pa ba 'yong mga pwede kong gawin para ma-savor 'yong moment.

"Sure ka bang pupunta ka?" salubong ni Conrad pagdating niya sa apartment ko.

Tumango ako 'tsaka zinip ang bag. I decided to take a break from my solo trips. Namomroblema kasi si Conrad sa kapatid niyang si Mae, ilang araw na raw na matamlay dahil hindi s'ya natanggap sa dream school niya. Kahit nasa trabaho, 'yon ang iniisip niya.

"Oo nga. Ayaw mo ba?"

"Wala ng bawian 'no."

I chuckled. "Eh si Bella?"

"Nasa bahay na rin."

"Matamlay pa rin si Mae?" tanong ko habang nilolock ang pinto pagkalabas namin.

"Sumigla naman ng konti. Hirap pasayahin ni Mae kapag tumatamlay siyang gan'to. Baka biglang 'di na naman siyang kumain tapos magkasakit tulad no'ng..." no'ng namatay si Papa, I could almost hear him say in his weak voice.

"Si Veron?"

Pumalatak siya. Pinaharurot niya agad ang kotse pagsakay namin. "Para namang 'di mo alam 'yon. Aso't pusa silang dalawa ni Mae." Sumilip siya sa 'kin. "Thank you sa pagpunta." Ngumiti siya. "Yaan mo lilibre kita."

"Kailan next year?"

We both chuckled.

Kapag malungkot si Mae, alam ko na 'yong mga weakness niya. Movies, chismis and make ups. And a lively company. Gusto kong pumunta, baka sakaling makatulong 'tsaka para na rin mapanatag na 'tong kasama ko.

"Ano pa lang sabi ni Tita sa tumakas niyang anak?"

I scoffed. "Kinukulit ako kung kailan uuwi."

"Ansabi mo?"

"'Di ko sure. Gusto ko munang mag-isa."

"Naks naman. Dalaga na si Madam." Pinaandar niya na ulit ang sasakyan. "Ikaw lang mag-isa umaalis?"

"Natural."

"Wow. Ayos. Pwede ka na umuwi mag-isa mamaya."

"Sira," sagot ko. "O'nga pala, turuan mo 'kong mag-drive."

"Bakit? Marunong ka na 'di ba?"

"Matagal na 'yon e. May kwenta na lisensya ko, bibili na 'kong kotse." Bumaling ako sa kaniya 'tsaka ngumisi.

'Di pa naman sa ngayon, wala pa kong trabaho e. Wala pa rin naman akong balak mag-audition sa ngayon. Pero malamang, 'yon ang first goal ko kapag nag-trabaho na ulit ako.

Wala akong balak na bumili no'n dahil nga may kotse naman si Charlie, s'ya madalas nagsusundo sa 'kin 'tsaka naghahatid. Noon.

"Buti naman. 'Wag 'yong kotse ko gamitin mo, ha, 'di ko pa tapos hulugan 'to. Mahirap na."

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon