Ch. V
▬▬▬▬▬
"AYAN, DAHIL BROKENHEARTED ka, Madam, libre ko na."
"Natural. Alangan namang papagbayarin mo pa 'ko." Kinuha ko kaga'd 'yong McFloat na nilapag ni Conrad pampalamig ng ulo.
"Wow, ah. Expected talaga. Kung alam mo lang, nagtitipid ako."
I scoffed. "Sa dami ng pera mo, para sa'n 'yang pagtitipid mo? Bibilhin mo ba 'yong 'Yes' ni Janina?"
"Dalawang kapatid ko pinapag-aral ko. College 'tsaka high schol. Nagmemaintenance pa si Mama. Wala na kong pera para bilhin 'yon." Nanlumo 'yong tingin niya. "Sama talaga ng ugali mo."
"'Di sana kami nag-aaway ni Charlie kung mabait ako."
"Kung tatanga-tanga ka, 'don kayo 'di mag-aaway no'n." Pumalatak siya 'tsaka ako sinubuan ng French fries.
Tumunghay ako sa walang katao-taong McDonalds dahil alas dose na ng madaling araw. After five days, ngayon pa lang nagka-time na makipagkita si Conrad. Kung 'di lang ako occupied sa mga rehearsals, baka nasiraan na 'ko na walang napagsasabihan lahat ng galit at inis ko sa away namin ng magaling kong boyfriend.
'Di pa rin kami nag-uusap hanggang ngayon. Wala rin akong planong mag-first move. Ba'la na.
"Bakit kasi 'di mo pa hiwalayan?"
Tumigil ako sa pagdutdot ng fries.
"Alam mo naman e."
"Nakalimutan ko, explain mo ulit."
I glared at him. Prente lang siyang sumipsip sa float. 'Di pa rin niya pinapagupit 'yang mahaba niyang buhok. "Wala ka pa ring time magpagupit?"
"'Wag kang mag-change topic."
"'Di ako nagcha-change topic, curious lang. Kaya ka siguro 'di sinasagot ni Janina."
"Dorothea." Pumalatak siya. "Madaming trabaho kaya wala akong time. Okay?"
Umiling na lang ako. "Si mama. Si Charlie lang nagustuhan niya sa mga boyfriend ko e. Expect niya na nga si Charlie na talaga makakatuluyan ko. Comfortable na s'ya sa kan'ya, 'tsaka parang anak na 'yong tingin niya." Grabe 'yong disappointment at lungkot ni Mama for sure kapag nalaman niyang maghihiwalay kami.
"Naks, unique answer, huh. Akala ko sasabihin mo, dahil mahal na mahal ko siya hindi ko siya kayang pakawalan'."
I glared at him. "Ano 'to, teleserye?"
Pilyo siyang ngumiti. "Joke lang! O'sige, tuloy. 'Yon lang ba talaga?"
Sabay ng buntong ko 'yong pagbukas ng pinto malapit sa 'min. "Ayaw kong ma-iwan mag-isa. Parang 'di ako ready mag-adjust ng ako mag-isa 'pag wala na kami. Lonely na naman ako."
"Wow. Kung maka-lonely ka d'yan para namang one year bago tayo magkita, ah."
Tumawa ako. Binaba ko 'yong ubos ng McFloat 'tsaka ko kinuha 'yong sa kaniya para sipsipin sana. Kaso ang bilis naiwas ng gunggong. "Penge pa!"
"Kadiri, may laway ko na 'to!" Ngumiwi pa siya.
"Para namang may sakit ka. No'ng high school tayo nakikisipsip ka lang ng softdrinks sa'min."
"Kahit na. 'Wag kang matakaw, okay na 'yong isa."
"Kuripot mo talaga. 'Pag ako nanglilibre konti na lang piliin mo lahat ng menu e."
"Mas kuripot naman 'yang boyfriend mo."
Inirapan ko siya.
"Ituloy mo na drama mo."
BINABASA MO ANG
Spread Your Wings, Dorothea
ChickLitFor years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, she stood tall with her head held high; believing one day, she'll destroy those walls and live free...