Ch. XVIX

63 5 6
                                    

Ch. XVIX

▬▬▬▬▬

PARE-PAREHO NA KAMING naging busy nang mga sumunod na araw. My days will be spent in the rehearsal rooms with my colleagues and in my apartment practicing. Focus pa rin ako sa pag-improve ng stability ng boses ko. Nakaka-frustrate kapag napapansin ng director at 'di ko makuha-kuha.

I had to work hard on it to give a better performance. E dati 'di ko naman problema 'to. Na-busy kasi ako sa pagpa-practice ng drums at kina Mama no'ng nasa Pampanga, kaya madalang ako kung makapag-practice sa pagkanta.

Kung alam ko lang.

Nagpaalam na 'ko sa mga kasama nang matapos ang rehearsal namin. Lumapit din ako kay Miss Mildred bago lumabas ng building.

'Di pa man ako nakakapara ng jeep nang huminto 'yong pamilyar na sasakyan sa harap.

'Di na siya busy? O malapit na naman dito 'yong event nila?

Lumapit ako 'tsaka bumaba ang bintana ng kotse. "Hi, good afternoon!" greeted Saulas. "Pauwi ka na?"

I nodded. "May event ulit kayo malapit dito?"

"Uh, sabay na tayo?"

'Di na 'ko sumagot at sumakay na.

"And, yep. May debut party sa M.Clara Hotel. Malapit lang dito." Sumilip siya sa 'kin. "Your seatbelt, Thea."

Habang sinusuot ko, na-realize ko kung ano 'yong familiar na kantang tumutogtog sa stereo. "Symphony Fantastique? 'Yan 'yong tinugtog sa Paris 'di ba?"

"Yep. It has been my favorite recently."

I leaned my head on the seat, smiling to myself. "Same. Lagi ko ring pinapakinggan kapag umaga."

Feeling ko magiging positive at productive 'yong buong araw ko kapag sinisumulan ko 'yong araw na pinapakinggan 'yon. Pati ngayon. Nakakawala ng stress 'yong harmony.

Kumpara sa ibang plays na sinasalihan ko no'n, mas bongga 'yong preparation para rito. Malaking event kasi tapos sa Resort's World pa gaganapin. Kaya heto, mas mataas ang pressure at expectation.

"Thea?"

I glanced at him.

"Um, do you wanna grab some coffee?" Sumilip din siya sa 'kin nang 'di ako nakasagot ka'gad. "... or maybe not, if you're, um, tired already."

Actually, I've been dying to grab anything and relax a little. Pagod ako pero nakakapagod nang mapagod. At sigurado 'pag uwi ko, practice ulit ang gagawin ko.

"Okay lang ako. I want some coffee."

Binalik niya ang tingin sa daan pero huli ko 'yong patago niyang ngiti. Really, Saulas? Ga'no ba kamahal ang ngiti mo? 'Di ba pwedeng pasilip naman?

"May bagong bukas na coffee shop dito, kaibigan ko 'yong may-ari. Let's visit that?"

"Sure. Kahit saan."

Malayo nang kaunti 'yong sinasabi niyang café, pero pagkarating namin, sulit naman ang byahe dahil ang ganda.

"Kailan pa nagbukas 'to?" tanong ko habang papasok.

An old woman was walking slowly before us. Saulas opened the door for her and for me.

Magaan sa mata ang neutral at earth color interiors. Wooden halos ang mga lamesa at upuan. And it was spacious enough, with high ceiling. Hindi nakaka-suffocate. At bonus: may live band performance raw mamaya.

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon