Ch. XVII

55 6 5
                                    

Ch. XVII

▬▬▬▬▬

SABI KO NGA, balik reality na 'ko pag-uwi ng Pinas. Isang taon akong jobless kaya 'di pwedeng 'di ko ma-miss ang theater. Feeling ko nga, nangalawang na 'yong talent ko (na 'wag naman sana).

February, bagong balik ako sa apartment sa Manila pero parang sa mga training centers ako nakatira. For months, I rebuild and regained my knowledge and skills again. Ang satisfying lang na pagkatapos ng isang taon, mas maayos ko ng nagagawa 'tong acting.

"I really like your voice, Thea. You're doing a great job," puri nang isang trainer sa 'kin.

"Thank you, sir!"

"But I think you have to work on the stability of your voice," dagdag niya.

Though freeing 'yong one year break ko, may part din na nakakapanghinayang kasi may mga bagay na mukhang talagang nangangalawang na. Dati 'di ko naman problema 'yong stability, pero siguro dahil nga natengga at 'di ako kumakanta no'n, problema na ngayon.

"Dorothea, hindi ka nakasabay sa beat!" hiyaw ng dance trainer.

At mukhang 'di lang sa pagkanta 'yong problema ko, pati na rin sa sayaw.

Drain na drain na energy ko pagkauwi. Humilata agad ako sa kama 'tsaka natulog. Kailangan ko ng maraming maraming maraming tulog kasi bukas, kailangan kong magpractice para iimprove pa 'yong mga 'yon- kahit paubos na ang energy ko.

Tumagilid ako sa kama 'tsaka binuksan ang phone. Sumalubong sa message ko 'yong audition announcement na pinasa sa 'kin no'ng dati kong katrabaho.

Audition para sa musical ng Aladdin na gaganapin sa Resort's World. Dati na 'kong nakakuha ng gig para sa same musical, kaya kahit papaano may background na 'ko.

Kung sakali, big break 'to para ma-regain ko ulit 'yong pangalan ko.

Bumuntong ako 'tsaka tumunghay sa puting ceiling. Napapapikit na.

Gusto ko na talagang maging ibang tao ulit.

▬▬▬▬▬

"Kumusta na ka ken?" tanong ni Mama habang nagpe-prepare ako sa audition para bukas.

"Okay lang. May audition ako bukas."

"Galingan mo."

"Oo naman. Namiss ko na kayang magtrabaho!"

"Sabi ng papa mu, kalagu mu karening pictures a inupload mu." Bigla siyang napa-change topic sa mga pictures ko na in-upload sa Instagram. "Tiru kula kareng ninang mu, blooming ka kanu!"

"Natural, yaku pa ba? Anak mo ko e."

Natawa siya sa sinabi ko.

Malamang 'yong mga pictures ko sa Paris na kinuhanan ni Saulas 'yong sinasabi niya. In-activate ko na ulit 'yong mga accounts ko 'tsaka paunti-unting pinost 'yong mga pictures.

After no'ng bakasyon sa Paris, madalas na kaming nagkikita nina Conrad at Saulas. Lalo pa malapit 'yong apartment ni Saulas dito sa 'kin. Si Conrad na lang talaga 'yong mahirap hagilapin sa 'min sa dami ng trabaho niya.

"Kayo ni Papa, 'musta?"

"Ninung meg-picture keka?" Makakalimutan na nga si Mama, pang-ilang tanong niya na 'to 'kung sinong nag-picture sa 'kin e.

"Si Saulas nga."

"Wala raw siyang girlfriend, ne, sabi ni Jonel sa 'kin." Step-dad ni Saulas si Tito Jonel, pangalawang asawa ni Tita Betty.

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon