Ch. XXII
▬▬▬▬▬
"Ikaw. I like you, Saulas."
Napatitig siya. Walang kurap.
Speechless? Sa sobrang tahimik niya, baka isipin ko fake 'tong kausap ko.
"He-"
Then he swallowed. "I like you, too, Dorothea."
'Di ko napigilang ngumiti. Akala ko inatake na siya.
"'Kala ko 'di ka na sasagot e."
He scrunched his nose and looked down. "Sorry."
"So, you like me, too, as a friend?" For clarification lang naman. Mahirap na.
Inangat niya ang ulo 'tsaka umiling. This time, mas mabilis na ang sagot. "Nope. I like you as you... um, as Dorothea. For, um, for also believing in me. For respecting my choices and supporting me... kapag kasama kita, I feel free to do whatever I want."
Confessing is usually heart stopping. 'Yong tipo bang 'di ka na makahinga sa kaba. 'Di mapakali at naaatat sa reaction na matatanggap.
As time passed by, confessing become an easy task for me. Siguro nasanay na 'ko. Pero alam na alam ko pa 'yong heart stopping moment no'ng first time na nag-confess ako sa crush ko no'ng college. Akala ko maiihi pa ko.
But this time, this confession, it feels heartwarming rather than heart stopping. 'Di man ako nautal. Ang natural lang ng labas. Walang script pero alam na alam ko na 'yong mga salitang sasabihin.
At ang soothing lang sa pakiramdam no'ng sagot niya. Feeling ko tuloy abot tengga na 'yong ngiti ko. Peste. Ang weird tingnan!
"So, the feeling's mutual?" sabi ko.
He nodded. He's still twiddling his fingers. Compared to my relaxed posture, I could see the tense in his eyes, and its intensity at the same time.
"Uh, bakit... gan'yan ka makangiti?"
"Let's go out tomorrow?"
"Where do you wanna go?" There's already an answer.
Tumunghay ako sa langit 'tsaka nag-isip. "Diner? Parang ang tagal ko ng 'di nakakapag-relax. Tapos, 'di ko na alam, kahit saan? The other itinerary's up to you," sabi ko. "Sa'n ba magandang pang-first date," bulong ko sa sarili.
"First date..." mahina niyang ulit. Nagpipigil ng ngiti.
Humarap ako sa kaniya 'tsaka tumango. "First date. Why?"
He shrugged. "First date," he repeated, still playing with the words.
"Kinikilig ka 'no?" I teased and scrunched my nose.
"Ye-No, I mean- what?" Napayuko siya.
Tinawanan ko siya 'tsaka nginitian. Pulang pula 'yong tengga niya! Pero sige, kunyari 'di ko nakita kasi baka mamatay na siya sa hiya.
"Pasok na tayo? Baka hinahanap na tayo sa loob," sabi ko na lang at baka sa'n pa kami mapunta rito.
"Buti pa nga."
'Di pa man kami nakakaabot sa loob nang magsalita siya. "Uh, sasabihin na ba natin?"
Agad? Parang masyado pang maaga. "Let's see where this will lead first. Okay lang ba?"
He nodded. "Okay lang. That's what I want to do. Let's take it slow."
▬▬▬▬▬
BINABASA MO ANG
Spread Your Wings, Dorothea
ChickLitFor years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, she stood tall with her head held high; believing one day, she'll destroy those walls and live free...