Ch. VIII

100 8 6
                                    

Ch. VIII

▬▬▬▬▬

BALK DIN AKNG Tagaytay bukas lapt nko hntay ka lang jan.

Ten minutes ago na 'yong message ni Conrad na 'yon, pero hanggang ngayon, wala pa rin siya. I impatiently drummed my fingers on the table.

Pinapapunta niya kasi ako sa kanila para naman daw ma-unwind 'yong utak ko at may makausap na iba, tutal parang pamilya ko na rin 'yong mga kapatid at mama niya. Sabi ko rito na lang sa McDo magkita para mas mabilis. Sa second floor ako pumwesto, dalawang grupo lang ang nandito at mas tahimik.

'Di ko pa rin sinabi 'yong pagpunta ko ng Tagaytay kahapon kaya ngayon pa lang kami magkikita after no'ng issue.

Binack ko 'yong message thread, sumalubong na naman 'yong mga messages ni Charlie. Mula kahapon tinatadtad niya ako pero wala akong binabasa kahit isa. Di ko pa pala na-block kahapon, block ko na nga. Ba'la siya sa buhay niya. '

"Thea."

Speaking of the devil. Pati ba naman sa McDo mamalasin ako? Ba't nandito na naman si Charlie? I lowered my cap.

"Bakit hindi mo ako nire-reply-an? Let's talk. Ayusin natin 'to."

Inangat ko ang tingin sa kaniya. Seryoso ang postura.

"Tapos na tayo, kaya wala na rin tayong pag-uusapan."

"Wala akong sinabing pumayag ako sa break up."

I scoffed. Almost choke.

Wala bang button para i-block din siya in real life?

"Pagkatapos ng lahat ng sinabi mo sa 'kin, 'di pa rin 'yon clear sa 'yo?"

"Palagi naman tayong nag-aaway. Palagi rin tayong nagkaka-ayos ulit."

"'Di lang 'yon simpleng away, Charlie. Ayoko na." Diniinan ko ang bawat salita at baka naman magising ang senses niya.

"Babe-"

I scoffed. "Don't call me babe. I've never been your babe. Tinatawag mo lang 'yan kapag may kailangan ka."

Ilang beses kong pinipigilan ang pagngiwi 'pag tawag niya 'yon sa 'kin sa harap ng mga tao. Ang plastic pa ring pakinggan.

Umasim ang mukha niya. He's wearing a branded bright neon shirt, too attention seeking. Samantalang ako, 'konti na lang kulayan ang sarili ko para 'di makilala ng mga tao. Feeling ko, bawat matang makakakita sa 'kin pinagbubulungan ako kapag nag-iistand out.

At siya, mukhang wala lang sa kaniya.

Ah, kasi nga pala, siya 'yong kinakaawaan at ako 'yong nang-iwan.

Tinukod niya ang kamay sa lamesa 'tsaka linapit ang mukha sa 'kin. Amoy na amoy ko na ang matapang niyang pabango. "Dorothea, hindi tayo hiwalay. We can't break up yet."

Napalakas ang hampas ko sa upuan. "Yet? Bakit, kasi 'di ka pa tapos magbayad sa kotse mo? Kasi 'di ka pa nakakapagpundar pangpagawa ng sarili mong gym?"

Mas lalong nalukot ang mukha niya.

Ginagamit niya lang talaga ako para sa pera at sa fame. Klaro na sa 'kin 'yon.

"Ayoko na, Charlie. Pagod na 'kong makipaglokohan at bilugin 'yong mga tao. Kung ikaw 'di ka pa pagod, edi sige. Sa 'yong sa 'yo na 'yang channel mo, sayang subscriber e."

Umarko ang ngisi sa labi niya. Nabigla ako no'ng makitang nanginginig ang kamay niya. 'Yong tingin, naninindik. "Yang career mo, tingin mo makakabalik ka kung 'di sa tulong ko? Tingin mo tatangapin ka ulit ng mga tao kung 'di sa tulong ko? 'Yang apartment mo, 'di ba sa channel nanggagaling 'yong pangbayad mo? Wala ka d'yan ngayon kung hindi kita tinulungan. You forgot that you're dependent on me?"

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon