Ch. IX

74 6 2
                                    

Ch. IX

▬▬▬▬▬

"THEANG?" YAKAP PA lang, alam na alam na agad ako ni Mama. For sure, nakilala niya 'yong pabangong binibili niya sa 'kin.

"I miss you!"

Umuwi na 'ko ng Pampanga kahit three days pa bago ang birthday niya.

"Bala kung eka pa muli?"

Ang sabi ko kasi talaga sa birthday niya pa ang uwi ko kaya nagtataka siya.

"Ala mu. Gusto ko ng umuwi e."

Binaba ko 'yong dalang mga bag 'tsaka tumabi sa kaniya sa sofa. Preskong presko siya sa pixie cut niyang buhok. Nakafloral daster pa siya, as usual.

"Kumain ka na?"

"'Di pa, anong ulam? Sa'n si Papa?"

"Ninung kayabe mu?"

Kinapa niya ang kamay ko habang hinahanap kung may kasama ba 'ko. Kinuha ko 'yong kamay niya, magaspang dahil palagi siyang nagluluto 'tsaka nagtatrabaho no'n.

"Ako lang."

"I Charlie, eme kaya-"

"Thea!"

Kaga'd kong nilapitan 'tsaka niyakap si Papa pagkababa niya. Hanggang balikat niya pa rin ako hanggang ngayon.

"Kararating mo lang?"

"Opo, Pa. Okay ka na ba?"

Tumango siya 'tsaka ako giniya pabalik sa sofa na inuupuan kanina. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. Three years ang tanda ni Mama kay Papa pero mas bata pa ang mukha ni Mama. Maputi kasi 'tsaka makinis. Si Papa, lumalabas na 'yong mga puting buhok niya.

"Awa. O pasensya na ka ekami tuluy mekapanalbe keka."

Ilang beses na silang nag-sorry na 'di sila nakapanood, inuulit niya na naman.

"Okay mu nga'y ta."

"Sinong nga 'yong kasama mo do'n, Theang? Si Mildred, ne?"

"Opo, grabe 'yong galing niya, 'ma!"

"Parang ikaw ba, Yang?"

Huh. Binobola pa ko ni Papa, bumabawi e.

"Oo naman! Magaling lang siya ng gan'yan sa 'kin." I showed him a big gap. Tumawa lang siya.

"Manghinayang ku pa rin." Inabot ni Mama 'yong pisngi ko 'tsaka hinaplos.

I pursed my lips. Pinatong ko ang ulo sa balikat niya. This feels good. Gan'to 'yong ginhawa everytime na natatapos nang maayos 'yong gala night.

"Okay mu. Babawi ka naman e."

After nang kwentuhan, tumulong akong magluto ng lunch kay Mama 'tsaka Darang Helen. Pagkahapon nag-ayos ako ng mga gamit sa dating kwarto.

Buti na lang, nalilibang-libang ko si Mama at 'di nasasama sa usapan si Charlie. Kung nababanggit niya man, nililigaw ko na lang.

Ayoko muna kasing sabihin. Alam kong malulungkot 'yon. 'Yon pa naman 'pag malungkot, palaging bumubuntong 'tsaka nawawalan ng gana. Saka na lang after ng birthday niya.

'Tsaka, 'di ko rin kasi alam kung pa'no i-eexplain 'yong break up namin ni Charlie. Siguro ro'n na lang sa part na recently marami kaming pinag-aawayan. Not to save his ass, pero 'di ko na lang siguro babanggitin 'yong mga reason talaga ng pinag-awayan namin. E alam ko si Mama 'tsaka Papa, ayokong mag-aalala sila iisipin na 3 years akong stuck sa gano'ng toxic na relationship, kahit gano'n naman talaga.

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon