Ch. VI
▬▬▬▬▬
"ANONG GINAGAWA MO dito?"
Gabing gabi na, masisira pa ang araw ko. Kumukulo ang tiyan ko sa gutom kaya mas manipis ang pasensya ko.
"Nag-dinner ka na?"
Matangkad at naka-formal na polo ang panira ng gabi ko. Si Charlie. Exactly one-week pagkatapos ng away namin, bigla siyang susulpot sa harap ng pinto ko. Alas-siyete ng gabi.
"'Di pa. Ba't?"
"Dinner tayo?"
Napataas ang kilay ko. Anong meron?
Ah. Peace offering niya ba 'to sa pinag-awayan namin no'n? Kung 'yon nga, in fairness, improving. Madalang lang siyang magyaya ng dinner, e, lalo na after pa ng away namin.
Anong nakain n'ya? Mag-assume na ba 'ko na pag-uusapan namin ng maayos 'yong away namin last time? Mukhang kalmado siya.
"Magbihis lang ako."
Tumango siya. Madilim sa labas pero kita kong maganda ang ayos niya. Malinis at amoy na amoy ko ang pabango.
"Gandahan mo," pahabol niya.
Iniwan ko na siya 'tsaka mabilis na nagpalit ng damit. Bilis kasing mainis ni Charlie 'pag mabagal, ayoko namang may panibago na naman kaming pag-awayan. Sa kamamadali ko tuloy, natabing ko pa 'yong baso sa mesa.
"Mamaya ka na lang." Tinanggal ko lang 'yong ilang bubog 'tsaka ko binalik 'yong basag na baso sa lamesa.
Gray sleeveless blouse na tinuck in ko sa fold up jeans ang sinuot ko. Pinarisan ko no'ng bagong biling itim na Hi Leather Converse.
Tahimik kami sa sasakyan. Nag-iisip pa rin ako kung ano bang meron ngayon at napasundo siya sa 'kin nang gan'tong oras.
I glanced at him. Seryosong nagda-drive. Bagong shave at bagong gupit din siya. Ano bang meron?
"May sasabihin ka?" tanong niya.
"Ba't ka nakaayos?"
Tumaas ang kilay niya, nainis yata sa tanong ko. Sumulyap siya 'tsaka tumawa pagkatapos akong tingnan. Nawala 'yong inis.
Ang weird niya, ha. Medyo nakakaba.
"Oo na. Babawi na ko mamaya, pinagluto kita."
"Marunong kang magluto?"
Tumango siya ka'gad. Mukhang offended.
Gulat lang naman ako. 'Pag kasi nasa apartment niya 'ko, laging canned goods o kaya bibili sa labas.
Akala ko sa apartment niya kami pupunta, pero huminto siya sa Pasay kung nasaan 'yong matandang bahay nila. Halos buong angkan nila 'yong nakapalibot sa compound no'ng bahay.
Ilang beses niya na 'kong dinala rito 'tsaka medyo naka-close ko na rin 'yong ibang kamag-anak niya kaya 'di na ko nahihiya. Lalo na si Bella, 'yong dalaga niyang pamangkin.
Nakakapagtaka lang na rito niya 'ko dinala ngayon dahil wala namang okasyon.
"'Yong nangyari last week," aniya bago ko pa mabuksan ang pinto para bumaba. "Huwag na nating pag-usapan ulit 'yon."
Napalitan ng dismaya 'yong pagtataka ko kanina, 'tsaka... sakit.
"'Yun lang? Wala ka ng ibang sasabihin?"
"'Yon nga, na-miss din kita. Ayoko ring makita nila papa na hindi tayo okay ngayon."
Napatunghay na lang ako. Ba't pa ba ako umasa na sasabihin niya 'yon? Dapat sanay na ko sa dami ng pinag-awayan namin.
BINABASA MO ANG
Spread Your Wings, Dorothea
ChickLitFor years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, she stood tall with her head held high; believing one day, she'll destroy those walls and live free...