Ch. XIII
▬▬▬▬▬
NAKAILANG KATOK NA 'ko pero wala pa ring sumasagot sa apartment ni Charlie. 'Di ako nakatiis at hinampas ko na. 'Sing init ng hapon ang ulo ko, atat na makita siya 'tsaka makausap ng masinsinan.
"Sino ba 'yang nambubulabog!" Bumukas ang pinto. Kunot ang noo niya habang masama ang tingin sa akin dahil inostorbo ko ang pagligo niya. "Kanina pa kita hinihintay." Nag-ngising aso siya ng makita ako.
"Sa tingin mo nakakatuwa 'yang ginagawa mo?"
Nangangati ang kamay kong sapakin siya para lang tanggalin 'yang ngising aso niya.
"Oo naman. Nag-eenjoy nga ako, kita mo tama ako. Dumating ka."
"Tigilan mo na 'yang palabas mo, Charlie. 'Di ka pa ba pagod bilugin 'yong mga tao?"
"Hindi pa," tipid ang sagot niya pero seryoso ang tono kumpara kanina.
Nangunot ang noo ko sa inis. 'Di ko alam kung nakikipaglokohan pa rin ba siya o seryoso.
"Nakuha mo na 'yong sagot. Are we done here? May trabaho pa ko, Thea."
"Delete your tweets."
Sinuklay niya ang basang buhok gamit ang kamay 'tsaka mapang-asar na ngumiti. "I don't take back what I already said."
Bago pa man niya ako matalikuran at pagsarhan ng pinto, may pinahabol pa 'ko. "Alam mo kung ga'no kahirap sa 'kin 'yong nangyari four years ago, Charlie. Galit ka sa 'kin? Okay. Pero please lang, 'wag mong ibunton 'yang galit mo sa ganitong paraan."
Huli ko ang pagtiim bagang niya. Mahigpit ang hawak niya sa door knob nang balingan ulit ako. "Pinahiya mo rin naman ako 'di ba? Quits na tayo."
Pagak akong natawa. Ako ang binibintingan niyang petty pero tingnan mo 'tong pinaggagawa niya? Akala ko no'n pagsisisihan ko 'yong pakikipaghiwalay sa kaniya. Pero lahat ng away na 'to after ng break up namin, mas lalo lang pinapangalandakan sa 'kin kung ga'no katama ang desisyon ko.
"Ang kapal ng mukha mong sabihan akong petty, 'tsaka mo sasabihin 'yan? As far as I know, 'di ko naman kasalanan na nag-live ka at nag-propose sa 'kin kahit pa alam mong marami tayong pinag-aawayan. 'Di ko kasalanan na pumunta ka ng McDo that time para magmakaawang balikan kita."
Ako 'tong naiinitan dito sa labas ng apartment niya pero mukhang mas sasabog pa siya sa galit sa 'kin sa mga sinabi ko.
"'Di 'di ba? We only stayed in this fuck up relationship kasi kailangan mo ng pera, ng fame, at ako kailangan ko ng company. Pero ayoko na 'yong set up na 'yon, Charlie. Pagod na 'ko sa gano'n."
"Fucked up?" Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. "Minahal kita, Thea. Pero, 'yan sa lahat ng mga pinagsasabi mo, kung makapagsalita ka parang 'di natin minahal 'yong isa't isa no'n."
"Minahal mo 'ko, pero mahal mo pa ba 'ko?" Kaga'd kong inalis ang kamay niya. Feeling ko may insekto na dumikit sa 'kin sa hawak niya. "Kung 'di na, please just let me go. Seryoso ako. Pagod na 'ko sa away natin at sa paulit-ulit na issue na 'to. Kaya please... just let me have my freedom once and for all."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya 'tsaka na ko kaga'd na tumalikod. First time na 'di ko narinig ang sigaw niya habang naglalakad ako palayo. Gusto ko na lang na mapagod na lang din siya sa lahat ng 'to.
'Yong sinat ko kaninang tumakas sa bahay para pumunta rito, naging lagnat na naman pagbalik ko ng apartment. Muntik na kaming mahuli ni Conrad kanina paalis ng Pampanga. Tagaktak 'yong pawis ko at hinihingal pa pagkaupo.
BINABASA MO ANG
Spread Your Wings, Dorothea
ChickLitFor years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, she stood tall with her head held high; believing one day, she'll destroy those walls and live free...