Ch. XX

67 7 5
                                    

Ch. XX

▬▬▬▬▬

NAPADPAD AKO SA Tagaytay imbes na sa apartment. May lumalabas na usok sa bawat buntong ko. Feeling ko nasa sky nga ako dahil sa fog na nakatakip sa lugar. Walang masyadong tao, o baka 'di ko lang talaga maaninag dahil sa kapal ng fog.

Pesteng 'yan.

Parang mas lalong lang bumigat 'yong dibdib ko sa fog na 'to e. 'Kala mo naubos na lahat ng tao sa mundo at ako na lang ang natira.

I leaned on the fence. Kahit ang Taal volcano, 'di ko na maaninag. Natatakpan ng puti ang lahat. This void is straggling me.

Sa gitna ng puti at kawalan, lumalawak lang 'yong space sa utak ko para magdagdag pa ng mga tanong.

How will I get back on my feet? Nagpo-progress ba talaga ako? Will I be as good as I used to be? Nangangalawang na nga yata ako. Isang taon lang naman 'yong hiatus ko pero bakit parang sampung taon akong nawala?

As if on cue, nag-ring ang cellphone ko sa tawag ni Conrad. Sinagot ko ka'gad, at bago pa 'ko nakapag-isip, nasabi ko na. "Nasa Tagaytay ako. Free ka ba?"

"Ah... kanina ka pa d'yan?"

I hugged my denim jacket. Mas lalo pang lumamig.

"Kararating lang."

"Anong meron, madam? Bakit bigla kang napunta dito?"

"Ewan. Need ko lang ng kausap."

"Gusto mo ko hintayin? 'Di pa ko makaalis." Maingay ang background niya, may mga nagsasalita, mga gulong o kung ano-ano pa. Nasa trabaho pa 'to malamang.

Bumuntong ako 'tsaka na lang umiling. "'Yaan mo na. Busy ka pa e."

"Problema?" mainahon niyang tanong. "Sir, pinapatawag po kayo..." tawag sa kaniya sa background.

"Sige na. Busy ka pa. Tawag na lang ulit ako if ever."

"May problema 'no? Lungkot ng-"

"'Pag nandito ka na lang do'n ko kukwento. Bye."

I sighed after ending the call. You've already learned this, Thea.

Kaya ko ng mag-isa. Nagawa ko na no'n.

I'd get back on my feet. Kailangan ko lang pag-igihan 'yong rehearsals. Magiging kasing galing din ako katulad noon.

Chismis lang 'yong mga narinig ko kanina. Baka 'di lang talaga nila matanggap na ako 'yong pinili.

Right.

I started walking. Hinayaan ko lang 'yong paa kong dalhin ako kung saan habang inaayos ko 'yong utak ko. Finofocus ko na lang ang sarili sa panonood ng usok na lumalabas sa bawat buga ko, sa bawat hakbang 'tsaka sa paghahanap ng ganda ng lugar na nakatakip sa puti.

Kahit papaano, umayos 'yong pakiramdam ko. Parang gan'to rin ako no'ng nasa Paris, nga lang, mas marami 'yong mapupuntahan do'n. Huminto ako no'ng makarating sa spot kung saan ako sumigaw dati. Sa balcony ng mansion.

Kung kanina siguro ako nakarating dito, nagsisigaw na ako. Pero wala na ako sa mood na sumigaw ngayon. Nakalma ko na 'yong sarili ko kahit papaano.

Instead, I just stared at the beautiful landscape. 'Di tulad sa baba, nakikita na ang Taal volcano dito pati na rin ang fog na nakapalibot. Everything was almost paper white. Kanina nakakasakal tingnan dahil sa bigat ng pakiramdam ko. But it's giving me some sense of comfort now.

Balak ko na sanang umuwi no'ng bumalik ako sa pinanggalingan kanina. Pero 'di natuloy no'ng makita ko 'yong lalaking nakatayo sa pwesto ko kanina. Para siyang nasa ulap.

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon