Ch. III
▬▬▬▬▬
KAPAG TINATANONG AKO no'n kung bakit gusto kong maging musical theater actor, nahihiya akong sumagot. Natural kapag bata pa lang, parang nakakahiyang isagot na 'gusto ko pong maging proud si mama sa 'kin!' o baka sa 'kin lang? Basta. Nakakahiyang isagot 'yon e. Kahit 'yon naman talaga 'yong main reason kung bakit pinursue ko 'to.
Another reason ko pa, grabe 'yong pag-boost ng energy ko kapag ganitong nasa rehearsal ako. 'Yong pagkanta namin para i-practice 'yong mga piece, 'yong energy na dapat ibuhos sa pagsayaw, 'tsaka, 'yong escapism. For a moment, ibang tao ako at hindi si Dorothea na puno ng ka-bullshitan sa buhay.
"Your stance, your technique in singing the song are so important," anang music director nang pahintuhin sa pagpapatugtog ang pianist.
Tumango lang ako. Gusto ko sanang silipin ulit 'yong lyrics ng kanta kaso ang disrespectful naman no'n kung habang nagsasalita siya.
"Again." Pagkalabas ng tunog galing sa keyboard, nag-umpisa na rin kami.
For five years, full time job ko na ang pagiging musical theater actor. Pero hanggang ngayon, nando'n pa rin 'yon pagmamahal ko sa ginagawa. 'Yong mga iba ko kasing kilala na nakasama as cast sa mga past shows, ilang years lang, nagsawa na sila. Great thing, 'di pa nangyayari sa 'kin 'yon.
Nando'n na 'yong pagod during rehearsals, 'yong takot tuwing 'di pa natatawagan sa audition, 'yong kaba during performance, pero 'di pa rin ako nagsasawa. When I first set my foot in the stage, akala ko 'di magtatagal sa 'kin 'yong tuwa 'tsaka passion sa ginagawa ko. Pero 'di 'yon ang nangyari. Turns out, para dito siguro talaga ako.
"Wala na yata talaga akong lugar sa mundong 'to."
Lumambot ang titig ko nang haplusin ni Gary ang pisngi ko. Kung paanong lalambot ang puso ni Eba na character ko habang siya ang nabubuhay sa 'kin.
"Huwag mong sasabihin 'yan, Eba. Lahat tayo may lugar sa mundo. At ikaw, may lugar ka rin dito sa puso ko." Tinakpan ng kumikinang na mukha niya ang liwanag ng rehearsal room no'ng ilapit niya ang mukha sa akin.
Lumunok ako. Binaba ang tingin sa labi niya 'tsaka huminto. Binalik ko ang tingin sa kaniya. "Paano kapag nalaman ni Tita?"
The music rolled in. Tumayo ako, dahan-dahang binitawan ang kamay niya tulad ng nasa script 'tsaka inumpisahan ang pagkanta.
Ito 'yong mga na-mimiss ko kapag natatapos 'yong mga musical namin. Usually weeks after ng gala night, ang hapdi ng lalamunan ko kakanta ng mga pieces ng past show. O kaya, rine-renact ko 'yong mga favorite scenes.
This time, ito 'yong favorite scene ko.
"Mamahalin kita, ano man ang sabihin niya." Kinuha ulit ni Gary 'yong kamay ko, nilapit ang katawan sa 'kin habang kinakanta ang part niya.
Ito 'yong time na nag-confess sila sa isa't isa. Tinanggap ni Gary ano man ang isipin ng ibang tao kay Eba. I used to be a club dancer in this contemporary musical drama. Batikang Bartolo Regala ba naman ang playwright sa Sa Entablado, Sa Langit at sa Piling Mo, ang hirap na pumili ng isang favorite scene lang. Pero so far, ito ang pinaka-higlight sa akin.
Hanggang ngayon, 'di pa rin ako makapaniwala na napasama ako sa main cast. 'Di lang basta-basta itong musical. From the production, to the playwright and casts! Grabe lang.
"Hinding hindi ko ipagkakatiwala ang anak ko sa 'yong malandi ka. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para palamunin kayo, ito ang ipapalit mo!" Tuwing scene talaga namin ni Miss Mildred, naninindig balahibo ko marinig ko pa lang 'yang malalim 'tsaka madiin niyang boses.
BINABASA MO ANG
Spread Your Wings, Dorothea
ChickLitFor years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, she stood tall with her head held high; believing one day, she'll destroy those walls and live free...