Ch. XI
▬▬▬▬▬
"SINONG TRAYDOR ANG nag-picture sa inyo sa ganiyang anggulo no'ng party?"
"Hindi ko rin alam. Actually, I was removing an insect from her dress in this picture. Sure ako."
"Pero nagawa nilang paglaruan 'yong anggulo," sabi ko. "Mukha kaming naghahalikan sa picture, kahit 'di 'yon ang ginagawa namin."
"Yup, and, um, they're speculating cheating issues already. But the thing is..." Yumuko si Saulas habang pinaglalaruan ang hinlalaki. 'Sing lukot at problemado ng mukha ko ang kaniya. "Break na kami ni Farah."
"Huh?" Sabay pa kaming napatingin ni Conrad sa kaniya sa gulat.
"Uh... ilang linggo na no'ng... no'ng umalis ako sa condo at, uh, naghiwalay kami."
'Di ko alam kung marerelieve ako ro'n o mas lalong mamromroblema.
"We decided na 'wag munang i-publicize 'yon. I didn't know something like this will come up."
Pero for sure, kahit gano'n pa man 'yong case, masama pa rin ang iinterpret ng mga tao. Iisipin pa rin nila kaka-no ko pa lang sa proposal ni Charlie, may iba na 'kong nilalandi, gano'n din sigurado kay Saulas.
"Anong sabi ni Farah? Nalaman niya na ba 'yong mga pictures?" tanong ni Conrad.
"Yup, she's the one who called and, um... she thinks it's true."
Binagsak ko ang katawan sa sofa at napasapo ng noo. Bumabalik sa 'kin lahat ng nangyari four years ago. Nanunuya ang lalamunan ko sa dami ng iniisip. Mauulit na naman ba lahat ng nangyari no'n?
"Aalis na muna ako. Kakausapin ko si Farah." Mabilis ang galaw ni Saulas habang nililigpit ang mga gamit, 'tsaka s'ya lumingon sa 'kin. Dismayado. Nalilito rin. "And, um, I'm sorry. Thea. I'm sure, we can find a way to fix this."
Umiling ako. "Wala kang kasalanan."
Kung sino mang alipungas na nagpicture at nagpakalat no'n, sa kaniya dapat isisi lahat ng 'to. Siya ang may kasalanan kung bakit mukhang mauulit na naman ang mga nangyari dati.
"Uminom ka muna." Inisang lagok ko ang tubig na bigay ni Conrad pagkaalis ni Saulas. Binaba ko ang baso 'tsaka wala sa sariling napatunghay do'n.
'Di ko alam kung kinakabahan ba ako, naaaligaga, natatakot o ano. Pilit kong inulit lahat ng mga nangyari kahapon at kung sinong taksil ang kumuha ng mga litrato.
Puro mga kumare ni mama, kamag-anak, mga customer ni Papa 'tsaka iba pang kakilala sa Pampanga 'yong mga tao no'ng araw na 'yon. Wala rin naman 'yong mga nakaaway ko no'ng high school sa party. Isang tao lang 'yong naiisip ko...
"Hindi kaya si Charlie?" Inunahan ako ni Conrad.
Hinarap ko s'ya. "Siya lang 'yong nando'n na 'di welcome."
"Pero, Thea, gano'n ba talaga ka-petty 'yong lalaking 'yon? Para gawin n'ya 'to?"
I scoffed. "Sabi n'ya n'on mas petty ako sa kan'ya e. Pero mas greedy s'ya sa 'kin."
Grabe 'yong paghahabol no'n para sa fame at pera.
"Kung s'ya nga. Wow, huh, ang gago niya nga. Gagong gago." Seryoso niya akong tiningnan. "Hindi ko babawiin 'yon kung totoong s'ya nga. Kasi isipin mo, Thea, ilang taon kayong magkasama 'di ba? Alam niya 'yong pinagdaanan mo dahil sa issue. Tapos bigla niya na lang uulitin? Ang gago niya lang. Baka mas makapal pa ang mukha niya kay Warner." Pumalatak siya.
Umiling ako 'tsaka sinapo ang noo. Kung siya nga, tama si Conrad. Mas makapal pa nga 'yong mukha niya 'kay Warner.
Tapos na kami e, 'di ba dapat tapos na rin 'yong pamemeste sa buhay ko? Gusto kong mag-move on ng maayos. Gusto kong matutong tumayong mag-isa.
BINABASA MO ANG
Spread Your Wings, Dorothea
ChickLitFor years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, she stood tall with her head held high; believing one day, she'll destroy those walls and live free...