Ch. XV
▬▬▬▬▬
PARA AKONG NAGING teenager ulit no'ng umuwi sa Pampanga. Nag-part time ako sa shop tapos minsan nag-si-sideline kapag may nangangailangan ng emcee o kaya singer sa mga malalapit na event.
'Di ganito 'yong na-imagine ko kung pa'no ko i-i-spend 'yong taon na 'to, but it turned out alright. Para akong naging bata ulit. Walang ibang pinoproblema kun'di paano tumulong sa pagluluto kina Mama nang hindi nasisira 'yong pagkain. Sa loob ng limang taon na nasa Manila ako, ngayon lang kami nakapag-bonding ulit ng ganito katagal.
Nabawasan din 'yong negativity sa katawan ko simula no'ng huminto akong mag-browse ng mga bash about sa 'kin. 'Di ko na nga naiisip minsan e. Mas nasasakop na ng utak ko 'yong mga lessons sa pagda-drums. I decided to give it a try. Matagal ko ng gustong matutong mag-drums kaya tinake ko na ang opportunity na mag-aral habang may time.
"Hindi mo pa kasabay Papa mo?" bungad ni Mama pagkauwi ko galing sa training session. Nagluluto sila ni Darang Helen ng lunch.
"'Di pa po. 'Di naman ako galing sa shop, do'n ako kina Kuya Loki, nagpapaturo mag-drums."
"Ah... ano magaling ka na?"
Ngumisi ako 'tsaka nakihiwa ng mga ingredients sa kanila. "'Di pa, pero marunong na 'ko."
Tumango-tango naman siya. "Galingan mo para magbanda ka na lang."
Natawa ako ro'n. Kahit matuto akong mag-drums mas pipiliin ko pa rin ang musicals.
"Ay awa, Yang, makyabe na kamu kari Loki. Ika na ing bokalista da," singit ni Darang Helen 'tsaka ako siniko.
Childhood friend ni Mama si Darang Helen. Simula no'ng dalaga siya, dito na s'ya nag-iistay sa 'min. Parang kasambahay pero pamilya pa rin 'yong turing namin sa kaniya.
Umiling ako ka'gad. "Babalik pa rin ako sa Manila, 'di ako para sa mga banda-bandang 'yan." Inabot ko 'yong mga nahiwa ni Mama kay Darang Helen. "Gusto ko ng mag-travel sa Paris, ma. 'Yon 'yong next kong pag-iipunan."
"Manipun ka. May pera ka naman."
I chuckled. 'Di pa kasya 'yong ipon ko pang-travel ng France. Pero nangangati na kasi talaga 'yong paa ko na mag-travel. Palagi naman kasing pera ko ang gamit ko pagnagta-travel. Never pa kong humingi kina Mama simula no'ng magkatrabaho.
I'm anticipating to go somewhere high.
"Kulang ku pa pera."
Natawa si Mama 'tsaka Darang Helen, 'kala siguro nila nagloloko akong walang pera. Totoo kaya 'yon. I'm obviously jobless right now!
'Di ko in-expect na magiging jobless din pala ako at 27.
"Gusto mo talagang pumunta?" tanong ni Mama.
"Natural! Gusto kong pumunta sa tuktok ng Eiffel Tower." Nagtawanan sila. Totoo kaya 'yon. "Sa likod na lang tayo kumain para presko!" sabi ko na lang.
Thanks to Mama and Darang Helen's endless patience, natuto akong magluto. Nalimutan ko na nga 'yong lasa ng mga instant noodles 'tsaka delata.
"Kulang lang ng konting anghang, pero masarap!" puri ni Mama sa luto kong caldereta.
"Okay na 'yan! Alam mo naming ayaw ko ng humahawak ng sili, Ma." Pulang pula na nga 'yong kamay ko kakahugas after kong hiwain 'yong mga siling nilagay kanina. After ng mga sili nightmares ko no'ng high school dahil sa acting, nakaka-trauma ng humawak ulit!
Tumawa si Mama 'tsaka sumubo ulit. May kinwento si Papa, konting salita lang natatawa ka'gad si Mama. Masyadong contagious 'yong tuwa niya kaya kahit 'di nakakatawa, nahahawa ako sa kanila. 'Sing aliwalas ng hapon 'yong mga ngiti. Kaya gustong gusto kong kumakain dito sa garden ni Papa e.
BINABASA MO ANG
Spread Your Wings, Dorothea
ChickLitFor years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, she stood tall with her head held high; believing one day, she'll destroy those walls and live free...