Ch. XII

63 4 3
                                    

Ch. XII

▬▬▬▬▬

PINATULOG AKO NINA mama pagkatapos akong mapakalma. Init na init ako pagkagising, sininat dahil nga nabasa kagabi.

Minsan talaga, 'di ko rin alam kung ba't ko ginagawa 'yong mga ginawa ko e. Mas lalo pa tuloy nag-alala sina Mama sa 'kin.

Once in a blue moon ako lagnatin kaya naalibadbaran ako sa pakiramdam ng towel na nasa noo ko. Bawat pagkilos, nahihilo ako. Peste.

"Nahihilo ka pa?" tanong ni Mama habang pinupunasan ang mukha ko.

"Konti na lang."

Dumampi ang kamay niya sa noo ko. Nahulog ang balikat. "'Wag mo ng gawin ulit 'yon."

"Masakit na ulo ko para ulitin 'yon, 'ma."

Inabot ko 'yong cellphone sa gilid ng kama. May mga missed calls at text sina Conrad at Saulas, 'di ko na nasagot kagabi.

"Nang panyabyan da keka?"

Masyadong marami ang kinakalat nila sa 'kin para i-kwento ko lahat sa kaniya. "Bakit?"

"Ako ng magrereply sa kanila. Enaka pa mag-cellphone, sasakit lalo ang ulo mo."

I obediently put down my phone. Babasahin ko pa lang dapat 'yong text ni Conrad. "Agyu ku na'y ta. Ako pa ba?"

"Papulis na lang na'tin 'yang mga 'yan-"

Umiling ako kaga'd. Naisip ko na rin dati 'yon kaso, ang swerte naman nila para paggastusan ko pa sila. "'Wag na. Paburen munala reta."

Kalagitnaan ng usapan namin, biglang nag-ring ang cellphone ko sa tawag ni Conrad. "Sagutin mo na. Bababa na 'ko, maglutu ku pa."

Tumango ako kaagad. "Okay. Luto mo kong masarap."

She smiled and reached for my cheeks. Pinalitan niya ang towel sa noo ko bago siya lumabas.

Sinagot ko kaga'd ang tawag ni Conrad pagbaba ni Mama. "Di ka yata busy?"

"Nagpaulan ka raw kagabi?"

"Chismoso ka talaga e 'no? Bilis ng sagap kahit nasa Tagaytay."

Pumalatak siya. "Totoo nga? Malakas naman tubig n'yo d'yan 'di ba? Bakit sa labas ka pa naligo?"

"Trip ko lang."

"Huh. Nice trip, Miss. Okay ka na?"

Umupo ako sa kama habang hawak-hawak ang towel sa noo at ang cellphone sa tainga.

"Nahihilo pa ko. Work ka na? 'Di ko na nasagot 'yong call mo kagabi, busy akong naliligo e."

He scoffed. Feel ko na 'yong pag-iling niya kahit 'di ko pa siya nakikita. "Tinatawagan ka raw ni Saulas hindi ka sumasagot. Nakausap niya na raw si Farah. Punta raw siya d'yan sa inyo kung pwede."

Napa-ayos ako ng upo sa sinabi niya. Ah, peste. Isang galaw lang pero nakakakita na 'ko ng stars. Wrong move.

Pero bakit pa siya pupunta?

"Dito? Bakit?"

"Malay ko ba, pinasabi lang sa 'kin. Siya na lang kausapin mo."

Binaba ko kaga'd ang tawag para contact-in si Saulas. Pero 'di pa man nasasagot ang tawag, kumatok na si Darang Helen, binabalita 'yong pagdating ni Saulas.

Teka, teka, ang bilis naman! Pero bakit nga s'ya nandito?

Pagkapalit ng damit 'tsaka ayos ng konti, bumaba na ko. Nasa salas si Mama at Papa kausap si Saulas pagkarating ko.

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon