Ch. XVI

70 6 11
                                    

Ch. XVI

▬▬▬▬▬

NAMAMALIKTA BA 'KO? Nandito rin siya?

"Thea," tawag niya ulit 'tsaka ako linapitan. Binaba niya 'yong camera-ng hawak na naka-harap yata sa 'kin kanina. "Um, hi? It's me."

"Saulas? Nandito ka rin pala?" I walked towards him.

Tumango siya. "Yup. Actually, um, we had a photoshoot here. Ikaw pala talaga 'yong nakita ko kanina."

"Nakita mo na 'ko kanina?"

It's been a year simula no'ng huli kaming magkita. Nag-stay siya sa Manila habang nasa Pampanga na ako.

"Yup. Uh, Champs de Mars. Nakapila ka yata."

"Ah!" I chuckled. Inayos ko ang coat. Mas lalong lumamig dahil sa snowfall! "Ako nga siguro. Sumakay ako sa lift eh."

"Talaga?" He docked his head to the side. "How's the experience?"

"Masaya! Ang ganda ng view! 'Di mo tinry?"

Gumilid kami sa dami ng mga taong dumadaan at nagpipicture.

"Gusto ko. But I don't have enough time."

"Kailan ka pa-" Nalipat 'yong tingin ko sa River Seine 'tsaka napatanga sa ganda. "Bullshit... wow."

Golden na 'yong Eiffel Tower mula rito. 'Sing kinang ng ginto 'yong reflection ng mga ilaw sa kasunod na tulay na nagre-reflect sa River Seine. Tuloy-tuloy ang pag-usad no'ng cruise ship sa baba.

'Pagbalik ng tingin ko kay Saulas na nakatingin sa harap namin, glowing and balat niya dahil sa golden lights ng mga nakasinding candelabras. Tulad ko, naka-turtleneck sweater din siya at beige overcoat 'tsaka nakasabit 'yong DSLR sa leeg niya. His hair was properly parted on the side.

"Ang ganda, 'no? The design of the bridge." Lumingon siya sa 'kin.

Tumango ako pero iyong River Seine ang nilingon ko. "Ang ganda... ng River Seine."

He glanced in front, too. "Right. Ang ganda nga." Narinig ko 'yong pag-shutter ng camera sa mga pictures na kinuha niya. Gusto ko tuloy makitingin. I'm sure maganda ang kinalabasan no'n.

Perfect na remembrance sana kung mapipicturan ko rin, kung 'di lang ako tinraydor ng cellphone ko.

"First time mo rin dito?"

Tumango siya 'tsaka binaba 'yong camera. "Yep. Ikaw?"

"Same."

"By the way..." Binalik niya 'yong tingin sa 'kin.

Paglingon ko rin sa kaniya, napangiti ako sa ganda ng paglalaro ng ilaw sa mukha niya. Kitang kita 'yong tangos ng ilong. Parang araw ang pag-glow ng iris niya dahil sa ilaw. His eyes were sullen as usual. Pati rin 'yong naka-define niyang panga.

"You look handsome..." the words slipped.

Oops. I chuckled awkwardly. Carried away lang, sorry naman.

"Huh?"

Kunyari na lang akong lumingon ulit sa Seine. Pinatong ko 'yong kamay ko sa railing pero nahuli ko 'yong pagyuko niya 'tsaka patagong pagngiti.

"You look, uhm, beautiful, too in this light."

Ngumisi na lang ako 'tsaka tumawa. He scrunched his nose.

"Do you want me to take a picture of you?"

Kaagad ko siyang binalingan. "Pwede ba? Kaso wala na 'kong pangbayad ng photographer."

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon