Ch. XXI

66 5 10
                                    

Ch. XXI

▬▬▬▬▬

SOMETIMES YOU NEED to crouched in order to leap higher. After eight months, na-realized ko na rin ang meaning talaga no'n.

'Sing pula ng rosas ang in-apply kong make up sa labi, maingat. Kunyari, 'di ako na-tetense sa nakatutok na camera sa 'kin. Documenting my every move.

Tiningnan ko ulit ang sarili sa salamin. Delicate nose, dark eyeshadows and eyeliners. Eyebrows thick and black. It was a different version of me. Pero ako pa rin.

Huli kong sinuot ang itim na wig at headpiece. Kakulay ng sapphire ang stone ng headpiece. Tumayo ako at tumingin sa camera mula sa salamin. Green traditional pants and a crop top blouse that revealed my button. Crystals outlining the hem. Nagningning ang gintong kwintas at hikaw na nakasuot sa akin.

Maliit na ngiti ang binigay ko bago nag-thumbs up ang videographer. "Great job. Isang shot na lang."

Tumango ako at sumunod palabas.

Ang dami ng tao! No'ng pumasok ako kanina dito konti pa lang. Ngayon naaligaga na lahat sa pagpeprepare.

May mga nag-greet sa 'kin, nagcompliment at nag-goodluck.

Pagkatapos nang isang shot, saktong lumabas si Baseet sa dressing room niya at nakita ako. He smiled and mouthed a cheerful goodluck.

Peste. Heto na ang adrenaline. 'Yong kaba at tension. The familiarity of these feelings made me excited. Almost two years na at sa wakas, aapak na ulit ako sa stage.

▬▬▬▬▬

"Oh I come from a land, from a faraway place, where the caravan camels roam, where they'll cut off your ear if they don't like your face."

Dinig na dinig ang malalim na boses nang narrator kahit nasa backstage pa lang ako at naghihintay.

Whimsical ang mga makulay na set ng entablado.'Sing lakas ng music ang tambol ng dibdib ko. Inayos ko ang suot na headscarf habang inuulit ulit ko ang mga lines sa utak.

'Di ko mabilang kung nakailang buntong na 'ko lalo na no'ng palapit na ang part ko.

The music slowly faded. The setting of the stage changed. Then the cue came.

May humawak sa balikat ko kaya mabilis akong sumilip. Miss Mildred's warm smile was my best good luck.

Believe in yourself, Dorothea!

Madiin kong pinikit ang mata. I let Princess Jasmine take over my body. Natapos ang musika, kumalma ang ingay, at nang lumabas ako mula sa backstage, tumutok sa akin ang spotlight.

All eyes on me.

I held up my chin and let the adrenaline kicked in.

Kung noon mata lang ni Mama ang hinahanap ko sa dagat ng mga tao, ngayon hindi na lang isa. Ang mata ni Conrad, ni Papa at Mama at ni Saulas na nakatago sa lens ng camerang hawak niya.

Dalawang taon. Dalawang taon kong nalimutan 'yong feeling na nasa stage, nakikita at pinapakinggan ng mga tao. I guess that's one thing that I love about this job. Naririnig nila ang boses ko at iniintindi ang bawat salita.

'Yong amusement sa mata ko habang nakatingin sa ayos ng entablado, 'di lang dahil scripted kun'di dahil maganda talaga. The woods of wall are painted in cream, brown and yellow, intricately painted with lines and curves. Warm. Malikot ang mga galaw ng performers at nagkakagulo sa palengkeng scene.

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon