Ch. X

58 5 0
                                    

Ch. X

▬▬▬▬▬

UMALIS NANG HINDI nagpaalam si Charlie kina Mama. Pagbalik namin ni Saulas, wala na siya. Kung sa 'kin sana, wala na 'kong pake. Kaso, disappointed si Mama ro'n. Tingin niya kasi kay Charlie e 'yong polite at good boy ever since.

Feeling ko tuloy nasira pa 'yong araw ni Mama dahil sa disappointment niya sa ginawa ni Charlie. Peste talaga. Dapat 'di na talaga um-attened pa 'yong isang 'yon e. Si Conrad gusto ng sabihin pero pinigilan ko.

Kinabukasan, 'di ko na talaga napigilan at nangangati na 'yong lalamunan ko na sabihin. Nagaalmusal kami, pinag-uusapan nilang tatlo 'yong tungkol sa mga condo sa Makati since pinag-iisipan nila Mama na bumili ng condo o kaya bahay para raw 'di na 'ko nag-aapartment.

"Maganda rin sana kung malapit kay Charlie, para nababantayan niya si Theang."

Muntik na 'kong mabulunan sa sinabi ni Mama.

Huh. Babantayan? Sumbatan pa 'ko no'n na ginagawa ko siyang bodyguard.

Nagkatinginan kami ni Conrad bago 'ko naisiping ipasok na ang topic para 'di na humaba pa 'yong usapan sa pangalan ng lalaking 'yon.

"Ma, may-"

"Pina-ready ko pa naman 'yong isang kwarto para silang dalawa na lang ni Conrad do'n. Hindi ko tuloy nakakwentuhan ng matagal. Dati naman sabay kayong lumuluwas, ne? May emergency, ne, kaya siya umuwi ka'gad?"

"Emune masyadung isipin, Ma," suway ni Papa. Pansin niya rin siguro mula kahapon 'yong frustration ni Mama. "O pota atin ya talagang emergency."

"Break na po kami ni Charlie."

Natahimik ang lamesa. Napatitig si Papa, nakakunot naman si Mama. Si Conrad, tumikhim. Ako, naghahanap ng salitang isusunod.

"Kaya po umalis siya ka'gad. Wala na kami." Boses ko lang 'tsaka ang mahinang pagda-drum ng kamay ko sa lamesa ang natirang ingay. "Nagpropose po s'ya sa 'kin no'ng anniversary namin, pero umayaw ako. Madalas kaming nag-aaway... recently."

The air was thick with tension. Kuyom ang kamao ko habang pinapanood ang gulat nilang reaksyon.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Nahimigan ko na ka'gad 'yong disappointment sa boses ni Mama.

Kaya ayokong sabihin kahapon e, kasi for sure, maguguilty ako sa magiging reaction niya. Tulad ngayon.

"Ayokong sirain 'yong birthday mo, 'ma, alam kong madidisappoint ka."

Madalang umiyak si Mama. Pero kapag nakikita ko na 'yong lungkot sa ekspresyon niya, ang sakit lang. She treated Charlie like the son she never had. Kahit sirang sira na kami ni Charlie, he never disrespected my mom. Feeling ko sincere naman siya sa mga pinapakita niya kay Mama.

'Yong lungkot ko no'ng una naming mag-away ni Charlie, reflected sa mukha niya. Nanghihinayang. Disappointed.

Bumuntong siya. Mahaba. 'Tsaka siya tumayo at kinapa ang cane. "Kain lang kayo. Tapos na ko."

Natigil ang pagtambol ko. May bumukol sa lalamunan ko 'pagkakita sa kaniyang tumalikod na nakahulog ang balikat.

Bullshit...

"Ma..."

'Di siya lumingon 'tsaka lang dumiretso paalis. Tumayo ako para habulin siya pero pinigilan ako ni Papa. Siya na ang tumayo para puntahan si Mama.

Wala na 'kong gana pagkaupo. 'Sing hirap ng in-expect kong pag-amin kay Mama 'yong nangyari. Tama ako.

"Kausapin mo na lang mamaya."

Spread Your Wings, DorotheaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon