Ch. II
▬▬▬▬▬
BLACK FLORAL PRINTED puff sleeves 'yong sinuot ko 'tsaka fold up jeans. Bukod sa wala akong dress, 'di ako sanay magsuot unless kailangan talaga lalo na sa mga performance.
Alas otso pa lang naghihintay na ko sa alas nueva naming usapan na pagsundo ni Charlie. Sabado naman ngayon kaya okay lang na umalis, since usually naman humihilita lang ako sa kama habang nanonood ng mga play kapag weekend na ganito.
san ka na ba? anong oras na nakakahiya sa mga kausap mo sabi mo alas9.
Kung hindi lang ako nag-aalangan na pag-awayan na naman namin, malamang kanina ko pa tinadtad ng text si Charlie sa tagal niyang dumating. Sabi na nga ba, 'yong alas nueva niya, alas diez talaga. Ako ang nahihiya sa mga kausap niya!
Finally, after ten thousand years, nag-reply din.
Charlie:
otw na
On the way saan? Sa banyo?
Fifteen minutes later, narinig ko na 'yong sasakyan niya sa labas. Lumabas na ko 'tsaka kaga'd na sumakay.
"Natagalan ako nasira 'yong shower ng condo," explain niya habang nagda-drive. "Sabi ko naman sa kanila male-late tayo ng konti."
"Sino bang cinontact mo?"
"Farah and Saulas."
I nodded. 'Di ako sure kung napanood ko na sila dati-wait, Saulas?
"Saulas Del Prado?"
He glanced at me. "Oo. Kilala mo na 'yon, sikat din."
Hindi ako sure kung iisang Saulas ba 'yong naiisip ko sa sinasabi niya. Sesearch ko sana 'yong channel nila kaso wala akong pang-data.
Bigla kong na-realize, ang ironic lang pala na 'vlogger' din ako pero 'di ko man lang kilala 'yong iba ring mga vlogger. Nawala na kasi 'yong amor ko sa social media simula no'n. Dati no'ng nagsisimula pa lang kami, palagi ko pang chine-check 'yong stats, 'yong mga comments sa bawat video namin. Kaso umiinit lang ulo ko kapag may nakikita akong comment na...
Ba't ko ba inaalala na naman 'yon?
"Sinabi ko na sa 'yo 'yang challenge. Mag-ye-yes ako sa lahat ng request mo pero ayusin mo ang mga request. 'Wag mo kong ipapahiya do'n."
Nilingon ko siya. I scoffed. Iba rin 'tong lalaking 'to e. Ako pa talaga ang binalaan ng gano'n? Feeling niya ba papasayawin ko siya sa gitna? Pwede rin, kaso 'di pa naman ako gano'n kasama.
Nang makarating na kami sa mall, naghihintay na sa 'min 'yong dalawa sa Starbucks. At tama nga ang iniisip ko kanina, si Saulas nga na kababata ko sa Pampanga 'yong Saulas na sinasabi niya!
"Hello! Good morning!" bati kaga'd ng girlfriend ni Saulas na si Farah. Maliit 'tsaka maputi. Mahaba ang kulay black na buhok. Mukha siyang Barbie doll sa almond eyes niya 'tsaka matangos na ilong. Lalo na nakasuot siya ng pink na dress kaya standout ang curves ng katawan niya. "I'm Farah, nice meeting you, guys!"
She offered her hands. Kinuha ko naman 'tsaka ngumiti rin. She looks nice and bubbly. "Hi! Dorothea. Nice meeting you rin."
Medyo nagulat ako no'ng una sa boses niya. Masyadong deep. Low tone at feeling ko perfect fit sa mga badass character. Dati sinubukan kong i-achieve ang gano'ng boses para sa isang character pero ang hirap since masyadong feminine 'yong boses ko.
"Hi, Dorothea! What do you want me to call you? Oh! I love your round eyes!"
I was caught off guard by her compliment. Mukhang sincere kaya 'di ko alam ang isasagot kag'ad. Na-concious tuloy ako. First time na may tumawag na maganda sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Spread Your Wings, Dorothea
ChickLitFor years, she lived behind walls built through all the bricks that they threw at her. She screamed the truth but it all echoed back to her. Still, she stood tall with her head held high; believing one day, she'll destroy those walls and live free...