Chapter 05:Operation:IWASAN

79 32 4
                                    

Kurt's P.O.V

Grabe sakit ng ulo ko,sakit manabunot ng babaeng yun ah,akala mo naman ginahasa ko siya...ahhhhh sakit talaga nun,akala ko mapapanot na ako...sayang yung kagwapuhan ko kung makakalbo lang ako...hindi pwede,paano na kaya ako magkakaasawa?edi hindi ko na makikita yung mga anak kong kasing gwapo ko...Tsk!!!grabe sakit non ah!!!feeling niya siya lang nawalan ng first kiss eh ako rin naman ahhh!!!!oo wala pa akong first kiss noh!!!I treasure it because its for only the woman that I love pero ano?nawala na...sa tingin ko sinadya talaga niya yun,she mean it...pero kasalanan ko rin naman,kung hindi ko nalang sana pinatulan yung pagka-isip bata niya sana hindi nawala yung first kiss ko.Para naman sana sa taong matagal ko nang hinahanap yung first kiss ko,the woman that I love the most,but the other part Im confused,Confused of my feelings,para kasing may part na gusto ko yung nangyari,parang gusto ko pa siyang halikan....Tskk!!!masama nato...Dapat iiwasan ko na siya para wala nang away at gulo.

Andito ako ngayon sa Cafeteria ng school,magdiditch muna ako ng Klase kahit ngayon lang,Nahihiya akong humarap sa kanya.Para naman akong bakla nito sa mga ikinikilos ko...

Pagkatapos kung kumain sa cafeteria I decided to go to a place that only me knows...

Pero grabe talaga manabunot si Daphnie.Parang wala nang bukas.

Flashback...

"Aray!Aray!A-aray!ano ba ang sakit...tama na Daphnie Aray!!!Bitiwan muna yung buhok ko!!!!!".kanina pa ako reklamo ng reklamo dito.Sobrang sakit na talaga ng buhok ko.Pano ba naman kanina pa ako sinasabunutan nitong babaeng 'to,wala yata siyang balak bitiwan yung buhok..gusto na niya atang iuwi.

Mukhang wala talaga siyang balak bitiwan ang buhok ko ah.Pero may naisip akong paraan para mabitawan niya ang buhok ko dahil kung hindi ko 'to gagawin.Siguradong uuwi ako nitong kalbo.

"Hoy hahahhaha a-an-no b-ba b-bit-tawan hhahhahaha mo a-ako..nakikiliti ako ahahhahahah".
sinubukan kung abutin yung tagiliran niya para kilitiin siya at nung naabot ko na kiniliti ko siya ng kiniliti hanggang sa tuluyan na niyang nabitawan ang buhok ko.When I already have a chance to run,Tumakbo ako hanngang sa makalabas ako ng classroom namin.

End of Flashback....

Dali-dali akong lumabas ng school at lakad takbong pumunta sa parking lot ng school.Buti nalang talaga naka-isip ako ng paraan para makalabas ng school.Hinarang kasi ako ng Guard.Sinabi ko muna sa kanya na may Emergency sa bahay at kailangan kung umuwi.

Nagd-drive ako nang may napansin akong pamilyar na tao.Nakatalikod siya at naglalakad.Saka ko lang napagtanto kung sino yun.

Daphnie?

At naalala ko na naman yung kiss namin kanina.Hindi ko namalayan na ngumingiti na pala ako.

Shit!!!Stop it Kurt!!!

Umiling-iling ako at lumiko bigla.Piharurut ko ang sasakyan ko tsaka pumunta sa lugar kung saan mawawala ang stress ko kung makikita ko ito...

Nakarating ako ng maayos sa lugar na gusto kung puntahan kanina pa.Pagkarating ko pinark ko agad ang sasakyan ko sa tabi ng isang puno.

Lumabas ako sa sasakyan ko,may sumalubong sakin na isang lalaking matanda.Si Mang Berting,siya ang palaging sumasalubong saakin kapag bumibisita ako dito.

"Magandang umaga Sir Kurt".bati niya sakin na may malapad na ngiti.

"Good morning too Mang Berting".bati ko sa kanya at sinuklian siya ng ngiti.

"Napadalaw po kayo?Diba po oras pa ng klase ninyo?".takang tanong niya sakin.

"Ah Im not feeling well,Im here to rest.Can you prepare my room?May pupuntuhan lang ako sandali".pagdadahilan ko sa kanya at mukhang naniwala naman siya.

"Masama po ang pakiramdam mo?alam po ba ito ng Tito niyo?".tanong niya ulit.

"Huwag niyo nalang sabihin sa kanya,wala naman akong pakialam sa kanya".mapakla kung sagot sa tanong niya.

"O siya sige,ihahanda ko nalang yung kwarto mo."tanging sagot niya.Nakuha niya naman siguro na hindi ko gustong pag-usapan ang lalaking yun.

Pagkatapos naming mag-usap ni Mang Berting,iniwan ko na siya at nagsimulang maglakad papasok sa Flower Paradise na pagmamay-ari ng Tito ko.Habang naglalakad ako,hindi ko maiwasang hindi maalala yung nangyari kanina sa Gymnasium ng school.Kusang pumasok sa utak ko ang itsura ni Daphnie.

Matapos ang mahabang paglalakad tanaw ko na mula dito sa kinatatayuan ko ang gusto kung puntahan.

Ang nag-iisang puno sa gitna ng milyong Bulaklak.

Nang nakarating na ako sa puno,Sumakay ako sa Duyan na andito at napaisip na naman ako.

Bakit kaya naglalakad lang si Daphnie?diba sabi niya mayaman sila?tsaka hindi ko rin nakita kung may sasakyan ba siya.Siguro hindi siya materialistic na tao.

Napangiti nalang ako sa sariling naisip.

Naalala ko na naman yung kiss namin kanina.Hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ang puso ko.Pero hindi pwede dahil may hinahanap ako at siya lang babaeng mamahalin ko habambuhay.

Kinuha ko yung gitarang dala-dala ko.Nag-isip muna ako kung ano ang kantang tutugtugin ko at nang makaisip na ako tsaka ako nagsimulang gumawa ng tugtog....

♪♪Nag-iisang pag-ibig,na nais makamit yan ay ikaw...♪♪

Miss ko na siya...

♪♪Nag-iisang pangako,na di magbabago para sayo♪♪...

Sana okey lang kung asan ka man ngayon...

♪♪San ka man ay sanay maalala mo...♪♪

Sana makita na kita please....

♪♪Kailan man asahan di magkalayo...♪♪

Asan ka na ba kasi...

Tanging ikaw lamang ang aking iibigin...♪♪

I miss you so much...

♪♪Walang ibang hiling kun'di ang yakap mo't halik♪♪

I want to hug you tight...

Where are you MY PRINCESS....
To be Continued....

Quote:

"Never underestimate what weak people can do..because they're the persons that can love you no matter what happen"...

-Aquaviamour

LOVE SERIES 1:Capacity of Love[Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon