Chapter 33: Father and The Decision

28 2 0
                                    

[I Dedicate this chapter to catherinenne for being a good friend of mine.Ka chika ko siya sa watty but busy na siya ngayon kasi OJT na nila.Stay safe always cath and be strong always.Luv Yah!💙]

Daphnie's P.O.V

Maaga akong nagising ngayon.Dahil sa nangyari kahapon,mas kakapalan ko pa ang mukha ko ngayon.

Basta gagawin ko lang ang sinabi ni Nica na Hayaan ko lang yung mga students na ang sasakit magsalita para wala nang gulo.

Kailangan ko ring magfocus nalang sa pag-aaral at wag pakinggan yung mga students na ganun ang ugali.

Basta kung meron mang students na tanggap parin ako sa kabila nang nangyari.Magpapasalamat talaga ako sa kaniya.

At sa Aiyeshah naman na yun.Kapag talaga hindi ako makakapagtimpi,makakatikim talaga siya sakin ng upper cut para magtino siya.

Wala akong pakialam kahit may-ari pa siya ng school.Basta kapag magsisimula na naman siya ng gulo ngayon o siya ang unang mang-away,papanutin ko talaga siya.

Akala niya siguro hindi ko siya papatulan!nagtitimpi lang talaga ako!

"Basta Daphnie.Tandaan mo yung sinabi ko sayo hah.Wag mong kalimutan na dadalaw ang Papa mo ngayon.Kailangan niyong mag-usap."

"Upo Ma.Aagahan ko po ang pag-uwi mamayang hapon."

"O siya sige.Umalis ka na.Baka malate ka pa."

"Bye Ma."nagpaalam na ako kay Mama at nag-abang na ng Jeep.

Pumara agad ako ng jeep para hindi malate sa school.Nang nakaupo na ako,hindi ko maiwasang hindi kabahan.Para kasing may tumitingin sa kin.Pasimple kung liningon kung sino yun at tama nga ako.May nakatingin sakin.

At siguro sa school rin namin siya nag-aaral dahil same lang naman kami ng Uniform.

Pero ang pinagtataka ko kung bakit nag Jejeep lang siya.

Hindi ko nalang iniisip yun at umiwas nalang ako ng tingin.

Hindi nagtagal nasa school na ako.Bumaba m
na ako ng Jeep at papasok na sana ng Gate ng may humawak sa braso ko.Kaya nilingon ko yun.

Yung babae pala sa Jeep.

Inagaw ko ang braso ko at umayos ng tayo para harapin siya.

"Bakit?".

Nag-aalinlangan pa siya kung sasagutin ba niya ako o hindi dahil halata naman sa itsura niya na nahihiya siya.

"A-ah Miss Daphnie-".

"Drop the 'Miss' dahil hindi na ako ang Queen ng school.Si Aiyeshah na.Just call me Daphnie,Daphy,or Daph".putol ko sa sasabihin niya.Halata namang nagulat siya sa sinabi ko dahil noon wala naman akong pinahihintulutan na tumawag sa nickname or sa pangalan ko.

"Magsasalita ka ba or hindi?Kasi late na ako eh."malumanay kong tanong.

"A-ah Ano kasi.Sasabihin ko sana na wag kang masyadong masaktan sa sinasabi ng ibang students dito.Tandaan mo na hindi lahat ng students dito ay galit sayo dahil sa nangyari.Meron pa namang nagmamahal sayo,hindi man lahat pero meron parin.Basta wag ka lang malungkot.Kapag kailangan mo ng kausap andito lang ako.Yung about sa nangyari?Hindi kita hinusgahan dahil alam ko namang hindi mo ginusto ang nangyari at ramdam ko na gusto mo na ring sabihin sa lahat ang tungkol sayo pero pinangunahan ka lang ng takot."

"Matagal ko nang alam ang tungkol sayo dahil minsan na kitang nakasabay sa Jeep sumakay,noong una ay nagulat ako pero habang tumatagal ay nasasanay na rin ako.Hindi ko pinag-sabi sa iba yung about sayo kasi ayokong pangunahan ka at alam ko namang may dahilan kung bakit mo ginawa yun.Basta huwag ka lang malungkot hah.Andito parin naman kaming nagmamahal sayo ate Daphnie."

LOVE SERIES 1:Capacity of Love[Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon