A/N: Still same parin.Malapit na siya matapos and after this first series is sisimulan ko muna yung second series and then one shot story tapos tuloy-tuloy na sa series.Hindi ko kasi pinagsasabay-sabay na sinulat kasi nagmomodule ako tapos mawawala yung plot sa utak ko kaya ito ako ngayon.Isang story every month and 3 one shot stories...
Kurt's P.O.V
“Because I like you,and I don't like this feeling...” after I said that,she fell.Buti nalang nasalo ko agad siya.
Dahil sobrang lasing na niya,wala akong nagawa kun'di sa hotel ko nalang siya patutulugin.
Pinangko ko siya in bridal style at dinala sa taas.Hindi ko talaga alam kung pano napunta ang babaeng ito dito at hindi ko rin alam kung paano niya nalaman ang bar na ito sa baba ng hotel na tinutuluyan ko.
Pumasok na ako sa hotel at mabilis kong nakuha ang atensyon ng mga tao pero hindi ko sila tinignan.Dumiretso na ako sa tapat ng elevator at hinintay na bumukas.Pagkabukas ng elevator,pumasok na ako at pinindot ang 4rth floor.
Pagbukas ng elevator,lumabas na ako at dumiretso sa room tinutuluyan ko.
Kinuha ko muna ang keycard ko sa bulsa.Mejo nahirapan akong makuha yun dahil pangko-pangko ko si Daphnie.
“Ano bang kinakain ng babaeng ito?Sobrang bigat naman ng babeng ito.”
Nangnakuha ko na ang keycard,binuksan ko na ang pintuan at pumasok.Dumiretso na ako sa kwarto ko at dahan-dahan na linapag si Daphnie.
Lalabas na sana ako ng kwarto nang bigla nalang niyang hawakan ang braso ko kaya tinignan ko siya.
“Ayokong magpakasal!ayokong makasal sa taong hindi ko naman gusto.Hindi pa ako handang magpakasal.Hindi ko pa nasabi sa taong mahal ko ang nararamdaman ko para sa kaniya.Ayokong magpakasal!”mahina niyang sambit na nakapikit parin ang mata.Isa-isang naglabasan ang mga luha niya kaya agad ko yung pinunasan.Umupo ako sa gilid ng kama at tinignan siya at dahan-dahang hinimas-himas ang buhok niya.
“Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal na yun Daphnie.Hindi ako papayag na makasal ka kay Kuya Kent.I'll find ways on how to stop that b*llsh*t wedding.” after I said that,tumayo na ako at lumabas ng kwarto.Dumiretso ako sa kusina,kumuha ng plangganita at bimpo.Nilagyan ko muna ng maligamgam ng tubig ang plangganita bago pumasok sa kwarto ko.
Dahan-dahan kong pinunasan ang noo niya at balikat.Tinitigan ko ang mukha niya.
“Masasabi ko na talagang ikaw na ang gusto ko Daphnie.Alam ko na pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magmamahal dahil may nagmamay-ari na ng puso ko pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya mahanap.Baka may iab na yung mahal.Huwag kang mag-alala.Hahanap tayo ng paraan.Kaya huwag muna gawin ulit ito.Huwag kana maglasing dahil hindi sa lahat ng panahon ay andun ako.”
Pagkatapos ko siyang punasan,lumabas na ako ng kwarto at sinarado ang pinto.Humiga na ako sa sofa.Kinuha ko ang cellphone at dineal ang number ni Tito.
[“Hello Kurt?Alam mo ba kung saan si Daphnie?Malapit ng dumilim pero hindi parin siya umuuwi!”]
Halata sa boses niya ang pag-aalala sa anak niya.Kung hindi sana sa desisyon niya hindi sana umalis si Daphnie ng mansyon at maglasing.
“Kasama ko po siya Tito so don't worry.Magpapalamig po muna raw siya.Hindi pa kasi niya matanggap yung desisyon niyo.Just give her time to think Tito.Bye!” hindi ko na hinintay na sumagot siya.Inofff ko na ang phone at nilapag sa table.Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa dinalaw na ako ng antok.
BINABASA MO ANG
LOVE SERIES 1:Capacity of Love[Completed/Under Editing]
Novela Juvenil•She's a Girl that only want is an attention from others.. •She wants people around her will adore and Love her... •She is Famous,Gorgeous and most of all she's Adorable... •But all of that has a hidden secret that she hides all this time... •But an...