Chapter 46:The Confession

26 1 0
                                    

A/N:Good Evening Sunsets🌇.Hope you're doing well now🤗.Huwag niyo na pansinin ang Good evening tapos sunsets🤧...Medyo may sabog ako ngayon.Love lots..Muwahh sending virtual hugs🤗.

Daphnie's P.O.V

SUMAGOT KAYO!TOTOO BA LAHAT NG NARINIG KO?ANOo!” Sigaw ko kaya lumapit sakin si Nica at pinapatahan ako.Yumakap nalang ako kay Nica dahil sobrang sikip na ng puso ko.

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Nica at sinubukang umupo ng maayos.Inalalayan naman ako ni Nica para hindi matumba.Hinarap ko sila ulit at gulat parin sila hanggang ngayon.

“Ano?wala ba kayong planong sumagot?Kurt?Pa?Sagutin niyo naman ako!” nagmamakaawa kong sambit.Dahan-dahang lumapit sakin si Papa at umupo sa upuan na nasa gilid ko.Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

“Pa?ano?May kaylangan ka yatang sabihin sakin.” napahagulgol na naman ako sa iyak.Baka hindi ko matanggap ang sasabihin niya.Baka hindi ko kayanin.

He left a heavy sighed before answering my question.

“Totoo anak.Totoo lahat ng narinig mo.K-kapatid mo si Kurt.Hindi kita anak at mas lalong hindi ka anak ni Melisa.Si Melisa ay ang taong nakapulot sayo nung mga panahong hinahanap ka namin ng Mommy at Daddy mo.Si Melisa ang nag-aruga sayo sa panahong wala kami sa tabi mo.Outing nun ng pamilya natin.Papunta tayo nun sa resort ng Mommy mo pero may humarang sa van na sinasakyan natin at kinidnap kayong dalawa ni Kurt.Pinahanap namin kayo kung saan-saan pero nahirapan kaming hanapin kayo.Pero isang araw tumawag ang kidnaper.Nanghihingi ng ransom at nong sinabi nila kung saan kayo agad kaming pumunta dun.Pero huli na ang lahat kasi wala ka nang makarating kami sa pinaglalagyan niyo.Si Kurt lang ang nakita namin na walang malay.Dinala namin siya sa ospital at nung magising siya tinanong namin kung saan ka pero hindi siya nagsasalita.Nagkatruama ka Daphnie.”

Naghanap ako ng paraan para makita ka pero hanggang sa namatay ang Mommy at Daddy mo hindi ka parin namin nakita.Pero isang araw nabuhayan ako loob nung may nakabagsabi sakin na buhay ka at nasa tamang kamay.Pinuntahan ko si Agad si Melisa at sinabi sa kaniya ang dapat niyang gawin.Ang alagaan ka kahit labag man sa loob ko.Sinabi ko sa kaniya ang dapat niyang gawin at ang mga plano ko.Napaniwala ka namin na Papa mo ako at sumama sa ibang babae.Sorry sa lahat Daphnie.”

“Kaya pala!kaya pala ang lakas ng loob mong kontrolin ang buhay ko kasi wala kang pakialam sakin.Pinamigay mo nga ako diba?Pero hindi ako naniniwala sayo!dahil naalala ko lahat!lahat nang nakaraan!nung umiyak si Mama dahil iniwan mo siya!nung mga panahong una naming pagkikita ni Nica!lahat naalala ko kaya wag kang gumawa ng kwento!” sigaw ko sa harap ng pagmumukha niya.

T-totoo ang sinasabi ng Tito mo Daphnie.Kinuwento sakin ni Tita Melisa lahat.Lahat ng nangyari sayo,at yung naalala mo tungkol satin?gawa-gawa lang yun ng imagination mo dahil sa dinanas mo nong makidnap ka.Sorry Daphnie,sorry sa lahat!hindi ko sinasadyang maglihim sayo.” wika ni Nica na mas ikinagulo sakin.Nilingon ko siya at pinangkonotan ng noo.

LOVE SERIES 1:Capacity of Love[Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon