A/N:So readers malapit na matapos tong first series na to.Sana suportahan niyo parin ito hanggang last.Anyway sa gustong magpadedicate comment lang kayo.☺️
Daphnie's P.O.V
"Kurt,hindi talaga kami makapaniwala na dito kana titira.I mean diba ayaw mo namang umuwi dito because of your memories about your Parents.We're so happy na
dito kana ulit titira,Hindi mo talaga ako matitiis eh." Sabi ni Tita Sirene sa kalagitnaan ng breakfast.Hindi ako nag-angat ng tingin kasi usapang pamilya naman yan."Bahay ko 'to Tita so expected na titira ako rito and to be honest may ibang reason ako kung bakit ako nanatili rito sa bahay." sagot ni Kurt at naramdaman ko na tumingin siya sa Direksyon ko.Pilit ko nalang yung isiniwalang bahala,baka trip lang niya yun.
Tita Serine left a heavy sigh bago nagsalita ulit. "Fine,kung ano man yang reason mo.Thankyou so much kasi dahil sa reason na yan.Titira ka na ulit dito sa mansyon."
"Yeah,thankful talaga ako Tita sa reason na yun."sagot ni Kurt.
Bakit parang nararamdaman ko na ako ang tinutukoy niya?Di naman masama maging assuming diba?
Nagpatuloy lang kaming kumain hanggang sa napahinto ako sa sinabi ni Papa.
"By the way Kurt,from now on ikaw na ang maghahatid sundo kay Daphnie total nakuwento mo naman sakin lasg night na you're classmates." huminto ako sa pagsubo at inangat ang ulo ko.Tinignan ko si Papa na nakakunot ang noo ko.
"Kaya ko naman pong pumasok sa school nang hindi hinahatid sundo ni Kurt.Pwede naman po akong mag trysikel or magcommute nalang po ako..." depensa ko.
"No anak.Mas safe kung kasama mo si Kurt..." Sagot ni Papa.
Anong safe?Eh bwiset nga yan eh kasi nanghahalik ng wala sa oras!tang'na naman oh.
Pero syempre sa utak ko lang yun sinabi.Baka mapalayas pa ako rito or baka mapagalitan ako ni Papa.Nakakainis talaga yang Kurt na yan.Mapansamantala!
"Pero Pa!-"
"No,I insist..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana kasi nagsalita ang manyak.Nilingon ko siya at binigyan ng masamang tingin pero hindi man lang siya natinag.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain.Nawawalan tuloy ako ng gana dahil sa desisyon ni Papa.Nakakainis,gusto ko nang sumabog sa galit.Hindi ko man lang nakumbinsi si Papa na huwag nalang akong ipahatid sundo sa manyak nato.
PUMASOK na ako sasakyan ni Kurt.Hindi ko nalang siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto.
Anong akala niya sakin?walang kamay?Bwiset siya!nakakasira ng araw!
Sinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana at tumingin sa labas.Maya-maya naramdaman ko na pumasok na rin siya.Narinig ko naman siyang napabuntong hininga.
"Bakit hindi mo ako hinintay?Pagbubuksan sana kita ng pinto..."maya-mayay sabi niya.Pati boses niya nabubuwesit na rin ako.
"Anong akala mo sakin?walanh kamay?"mataray kong sagot.
Huminga nalang siya ng malalim.Hindi nalang siya sumagot at binuhay ang makina.
Habang nasa byahe kami,wala paring kibuan.Walang nagsasalita,nakakabingi ang katahimikan.Tanging hininga ko lang at sa kaniya ang naririnig ko.
Wala ba siyang planong magsorry sakin?sa paghalik niya sakin?
Nakarating nalang kami sa School na walang sali-salita.Pinark na niya ang sasakyan,hindi paman nakapark ang sasakyan ay binuksan ko na ang pinto at lumabas na.Ramdam ko na nagulat siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam.Bahala siya sa buhay niyang walang silbi.
"Daph..!" tawag niya sakin na hinahabol parin ako.Mas minadali ko pa ang paglalakad at nabigla ako ng may humablot sa braso ko kaya napalingon ako ng wala sa oras at nasobsob ako sa isang matigas na...
Dibdib?
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at ayun,ang madilim na mukha ni Kurt ang sumalubong sakin.Dumistansya ako sa kaniya at binawi ko ang braso ko.
"Ano bang problema mo?Ba't ka nangugulat?Gago ka ba?Alam mo kanina pa ako nabubuwesit sayo eh...!" singhal ko sa kaniya.
"Alam mo ba na delikado yung ginawa mo?Bakit ka lumabas ng sasakyan na hindi pa ako nakapark ng maayos?"hindi ko alam pero parang nakonsyensya ako nang makita ko na makitang lumambot ang expresyon niya.
Huwag kang madadala Daphnie!Magaling lang talaga magpanggap ang manyak na'to!
"Anong bang pakialam mo?Kung madisgrasya man ako o mamatay!wala kang pakialam!" singhal ko sa kaniya.
Tumalikod na ako at naglakad pero napahinto ako sa mga narinig kong bulong-bulongan sa paligid.
"May chika ako sayo girl!"
"Ano yun?spill mo na Annie...!"
"Alam mo ba na fake news pala yung about sa sinabi ni Aiyeshah na mahirap si Daphnie Reyes!"
"Pano mo namang nasabi na Fake News yun?Eh nakita mo naman diba yung expresyon ni Daphnie nung sinabi ni Aiyeshah sa lahat rito ang tungkol sa kaniya!"
"Tama ka!at kung hindi talaga siya isang squater area dapat dinefend na niya yung self niya...!"
"Mali talaga kayo kasi yung Daddy ko is investor sa Hidalgo Incorporated!Diba ang may-ari ng kompanya na yun ay si Erven Reyes?nalaman ko kasi yun mula kay Daddy.Daddy raw ni Daphnie yun!pareho sila ng apelido diba?"
"Pero sabi ni Aiyeshah na walang Reyes na bussinessman..."
"May pruweba ba siya?eh diba kakauwi niya labg galing California so which means wala siyang alam sa mga nangyayari rito!"
"Narinig ko rin yang Hidalgo Incorporated na Sila ang pinakamayaman na bussinessman sa buong Manila Sussy..."
"So Mayaman pala talaga si Daphnie!"
"Hoy Queen Daphnie!baka marinig ka patay ka talaga..Queen!"
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.Hindi ko alam pero dapat sana maging masaya ako dahil ito ang sumalubong sakin pero may part parin sakin na nalulungkot ako kasi feel ko Mayaman lang ako kasi dala ko ang apelido ni Papa.Pero kung hindi ako Reyes,means wala rin ako.
Napabuga nalang ako ng hangin at dire-diretso sa Room.Nang makapasok ako feel ko yung intense na presyensya,lahat ng students ay nakatingin sakin na May konsyensyang reaksyon.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pasalpak na umupo sa tabi ni Nica.
"Daph!anong nangyari?anong meaning nung chinat mo kagabi?anong pinsan?Tsaka nasa Poder ka na ng Papa mo nakatira?sabihin mo nga..." sunod-sunod na tanong Nica.
"Oo nga Daph,Ano bang nangyari sayo?" sunod naman na nagtanong si Julius.Hindi ko namalayan na sumulpot toh.Siguro sobrang dami ko nang iniisip kayo ganito.
Umayos muna ako ng upo at sinagot isa-isa ang tanong nila.Kinunwento ko rin sa kanila yunh nangyari sakin.Mula nong umalis ako sa bahay hanggang sa makilala ko si Kent at nong nalaman ko na pinsan ko rin si Kurt.
Pero syempre hindi ko kinunwento sa lanila yung sa pool kiss.Mahirap na,baka kong ano naman isipin nh dalawang toh.
Nang matapos na akong magkwento,hinawakan ni Julius ang kamay ko at pinisil yun.Nginitian lang niya ako.Hindi ko sinasadyang nadako ang tingin ko kay Aiyeshah na sobrang talim ng tingin sakin.At dahil magkatabi sila ni Kurt,nakita ko rin siya na sobrang dilim ng mukha at nasa kamay ko at ni Julius na magkahawak siya nakatingin.
Ano na naman bang problema ng manyak na'to?
To be continued...
•••DON'T FORGET TO VOTE SWEETIES•••
💚LOVELOTS💚|Vianncyy|
"Bigay kayo bebe time!charr"
FB:Vianncyy WP
FB Page:Vianncyy
IG:Vianncyy14

BINABASA MO ANG
LOVE SERIES 1:Capacity of Love[Completed/Under Editing]
Novela Juvenil•She's a Girl that only want is an attention from others.. •She wants people around her will adore and Love her... •She is Famous,Gorgeous and most of all she's Adorable... •But all of that has a hidden secret that she hides all this time... •But an...