Chapter 19: REFUSE

22 4 0
                                    

Daphnie's P.O.V

Sa buhay natin,meron talagang mga pangyayari na gusto nating ibaon nalang sa limot.Mga taong Gusto nating makalimutan dahil sa mga masasakit na pangyayaring ginawa nila.Sila yung mga taong mahilig manakit ng Damdamin.

At ngayon,yung taong binaon ko nalang sa limot.Andito sa harapan ko,nakayakap sakin at umiiyak tapos sasabihing namiss niya ako?Sinong niloloko niya?Kwento niya sa pagong.

Naiirita ako sa pagyakap niya kaya inalis ko ang kamay niya at tinulak siya.

"DAHNIEE!!!BAKIT MO TINULAK ANG PAPA MO?!".galit na sita sakin ni Mama at tinulungang makatayo ang walangyang ama ko.

Instead sagutin si Mama,Tinignan ko lang nang walang emosyon ang ama ko na nakatayo na ngayon sa harapan ko.

"Daphnie.Ana-".

"Huwag mo akong matawag-tawag na anak dahil simula nung araw na umalis ka,kinalimutan ko na may ama ako."walang emosyong putol ko sa sasabihin niya.

"Daphnie!Please pakinggan mo naman muna ang Papa mo!".malumanay na sabi sakin ni Mama.

Napalingon ako kay Mama pinagkunotan ng Noo.

"Ma,Ito ba ang dahilan?".takang tanong ko sa kay Mama at binalik ang tingin ko sa Punyetang Ama ko.

"Daph Anak.Please Makinig ka muna sa Pap-".

"SINABING WALA AKONG AMA!SAGUTIN MO NALANG ANG TANONG KO MA!".hiyaw ko kay Mama at dinuro ang Ama ko habang patuloy parin sa pagtulo yung mga luha ko at nagsimula na namang umiyak si Mama at ganun rin yung Ama kung punyeta na nakayuko.

"Ma?Sagutin mo ako please!Ito bang lalaking 'to ang dahilan kung bakit kayo nawala nang ilang araw?"tanong ko ulit kay Mama but this time,malumanay ang klase ko sa pagtanong.Ayokong sigwan si Mama,baka magalit pa siya sakin.

"Oo anak!sorry!"sagot sakin ni Mama na panay parin ang paghikbi habang nakayuko.

"Daphnie Anak."singit naman nang Ama ko.

Tinignan ko siya nag seryoso at nakipaglaban ako sa mga tingin niya.Nanlabo na ang mga mata ko sa kakaiyak.Sobrang sakit na nang puso ko,ang sikip na nang dibdib ko.

Totoo pala talaga ang sabi nila.Na kapag masayang-masaya ka sa mga nagdaang araw,huwag kang tumawa ng malakas dahil mas malaki ang kapalit na sakit nun.

"Pero *sniff*bakit ma?Bakit?"naguguluhang tanong ko kay Mama.

"Anak,hayaan mo munang magpaliwanang ang Papa mo Hah".

"Sige,magpaliwanag ka kung bakit mo Ginawang iwan kami at kung bakit ka andito."

"Salamat Anak!"napalitan ng ngiti ang lungkot niyang mga mata kanina.

"Ilang ulit ko bang ipaintindi sayo na Huwag mo akong tawaging anak."

"Pero-".

"Akyat muna ako Ma.Magbibihis mo na ako".putol ko sa sasabihin ng punyeta kung Ama.Pinahiran ko muna ang mga luha ko'ng nag-uunahan sa pagbuhos bago umakyat sa taas.Pagdating ko sa kwarto,binagsak ko ang katawan ko sa Kama at pinikit muna ang mga Mata ko.Pinatuyo ko na yung mga luha ko.Napagdesisyunan ko nang bumangon tsaka kumuha ng damit at nagbihis.

Pagkatapos kung magbihis,lumabas na ako ng kwarto.Pababa na ako nang hagdan.Napahinto ako nang makita ko si Mama at ang punyeta ko na Ama na seryosong nag-uusap.

Magkakabalikan na ba sila?No!Hindi ako papayag.

Unti-unti at dahan-dahan ang kilos ko na bumaba sa hagdan.Mukhang seryoso nga ang pinag-uusapan nila Mama dahil hindi man lang nila ako napansin.

LOVE SERIES 1:Capacity of Love[Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon