Kurt's P.O.V
Pagkatapos mag-usap nina Nica at Daphnie nagsimula na kaming magplano kung anong gagawin namin para sa School Fair.
But I'm curious kung anong pinag-usapan nila Kanina pero hindi nalang ako nagtanong.Baka magalit pa sila sakin at parang personal naman yung pag-uusapan nila.
"So Julius and Nica.May plan na ba kayo para sa booth?".panimula ni Daphnie.
Nasa gilid kami ng swimming pool ngayon ng bahay nina Nica.Dito nalang daw kami para maaliwalas dahil kung dun kami sa.study room niya masyado dawng mainit at masikip para sa kanya.Buti nalang may long table pala sila dito kaya hindi kami nahirapan.
Nagkatinginan muna sila si Nica at Julius bago sagutin ang tanong ni Daphnie.
"Actually Daph,Me and Julius already planned our task.Hmm,for the meantime hindi muna namin sasabihin sa inyo kung ano yung plan namin para surprise but you two don't need to worry kasi I feel like success 'tong planong 'to tsaka exciting rin".Nica giggled.
"Yes Daph,Nica is right. Sasabihin ko sana sa inyo but she suggested that wag muna sa ngayon.Siguro malalaman mo pagnagtanong na si Ms.Velasco".Sang-ayon ni Kurt kay Nica.Tango lang ang naging sagot ni Daph sa Opinion nila,siguro maypasurprise 'tong dalawa.
Tumingin sakin si Nica at tsaka kay Daph.Mukhang may itatanong siya.
"So,kayong dalawa ni Kurt.Anong plano niyo?Diba kayo ang mag-oorganize ng whole school fair?".tanong ni Nica na nakay Daph-walking Disaster woman nakatingin.
Tumingin muna sakin si Daph at binigyan ng makahulugang tingin.
I forgot!hindi kami nakapagplano ni Daphnie dahil sa Nangyari kahapon!
Sinuklian ko ang tingin niya at ngumiti siya sakin.
Nakagawa na siya ng plano?
Pero hindi ko maintindihan.Simpleng ngiti lang yun pero parang nagreracing ang puso ko.
I can't breathe!
Binalik niya ang tingin niya kina Nica at Julius at sinagot ang tanong nila.
What?May plan na siya?hindi man lang niya ako kununsulta para malaman ko ang gagawin ko?Haysst!
Daphnie's P.O.V
Lumingon muna ako kay Kurt bago sagutin ang tanong ni Nica sakin.
Pero naiiliang ako,hindi ko maexplain.Nang magtama ang paningin namin,ayun na naman yung pakiramdam nung nagtama ang paningin namin kanina.
Ang bilis nang tibok ng puso ko.Di ko macontrol!
Ano bang nangyayari sakin?bakit ako nakaramdam ng ganito?bakit dapat sana niirita ako sa kanya pero bakit bigla nalang nagbago lahat?Mali 'to.Ayoko nito.Dapat itigil ko na 'to habang hindi pa lumalalim.
Ako lang ang masasaktan nito!
Para matago ang nararamdamang pagkailang nginitian ko na lang siya para at binalik ko ang tingin ko kay Nica.Hindi ko na nakita kung anong reaksyon ni Kurt after kung ngumiti sa kanya.
"Kasi Nica ahm sa totoo lang nakapagplano na rin kami ni Kurt.Ang plano sana namin is Kukunin muna namin ang listahan ng mga booths every section at hihingin yung opinion nila about sa Booth na napili nila.Tapos kapag nakuha na namin ang list ng booths and their opinion.Pagsasamasamahin namin yung booth nila and plano ko sana na sa Fist Day of School Fair is yung Dance competion every section and sa hapon naman is yung sports like basketball competion.Sa second day of School Fair naman,sa umaga ay ang Volleyball competition at sa hapon ay yung mga booths,Sa last Day ng School Fair ay yung Miss Campus sa Umaga at after Miss Campus ay open na naman ulit yung booths.Sa hapon is iaanounce na yung mga panalo sa Basketball,Volleyball at Miss Campus.Ano?okay ba yun?"nakangiti kung tanong sa kanila.
BINABASA MO ANG
LOVE SERIES 1:Capacity of Love[Completed/Under Editing]
Teen Fiction•She's a Girl that only want is an attention from others.. •She wants people around her will adore and Love her... •She is Famous,Gorgeous and most of all she's Adorable... •But all of that has a hidden secret that she hides all this time... •But an...