Chapter 36:She's My Cousin?

19 2 0
                                    

[This Chapter is Dedicated to MADIEMYR MORATA.Di ko alam Watty UN mo kaya hindi kita mamention so Facebook name mo nalang nilagay ko.By the Way,thank you for being a good friend and for being my good Little Sister Friend.Stay Safe always and Take care of your Self]

Daphnie's P.O.V

Napabalikwas ako nang bangon nang narinig ko ang cellphone ko na tumunog iyon.Agad ko namang kinuha iyon sa bed side at tinignan.

"Nag set pala ako ng Alarm?And 6:17 AM palang!Hayst!Ang tanga mo naman Daphnie!Bakit ko ba nalimutang i-off yun?I forgot that it's Saturday today.Haayst!dahil 'to sa marami kong iniisip e'"binalik ko sa bed side ang phone ko at humiga na.Pero kahit anong pikit ko sa mga mata ko hindi na ako dinalaw ng antok.Bumangon nalang ulit ako at pumasok ng banyo.

Nanghilamos na ako at lumabas na.Dahil hindi pa naman ako dinalaw ulit ng antok.Nagdesisyon akong lumabas muna ng kwarto at bumaba.

Nang nasa baba na ako dumiretso ako ng kusina para kumuha ng pagkain dahil nagugutom na rin naman ako.

Binuksan ko ang ref at naghanap mg makakain.

Inferness ah,hindi ako magugutom nito.In fact tataba siguro ako.Andami nilang stocks ng pagkain.

Napagdesisyunan kong kunin yung spaghetti at sinara na ang ref.Naghanap ako ng sandwich at sa wakas nakakita na rin.Umupo na ako sa upuan at nagsimulang kumain nang biglang may Matandang babae na sumulpot na babae na pumasok sa kusina.

"Good Morning Maam!Ako si Manang Nerisa!"yumuko siya bilang paggalang pero naiilang ako dahil hindi naman ako sanay lalo na at mas matanda pa siya sakin.

"Matagal na akong naninilbihan dito sa bahay na ito.At ikaw po ba yata yung binanggit samin ni Sir sa mga katulong na anak niya?Abay napakagandang bata mo naman pala hija!"

"S-salamat po Manang Nerisa.Hindi naman po ako maganda.Sakto lang"natatawa kong sagot.Lumapit na siya sa may stove at nagsimulang magluto ng agahan.

"Ang aga mo namang gumising hija.Aba'y ala singko palang ng umaga".

"Nagugutom po kasi ako Manang at tsaka hindi na rin ako dinalaw ng antok!"sagot ko.

Ilang minutong katahimikan.Nang bigla nalang may pumasok sa utak ko.

"Manang?"tawag ko kay manang at lumingon siya sandali sakin bago binalik ang tingin sa niluluto niya.

"Bakit hija?may kailangan ka ba?"

Nilapag ko muna ang sandwich at uminom ng Juice.Pinatong ko ang siko ka sa mesa at tumingin kay Manang.

"Matanong ko lang po Manang.Yung sinabi po sakin nina Kent,Papa at Tita Serine na pinsan ni Kent hindi po ba siya umuuwi rito?"

Mukhang na tapos nang magluto si Manang.Inayos muna niya ang mga ginamit niyang panluto bago humarap sakin.

"Hindi naman sa hindi siya umuuwi rito hija,minsan umuuwi siya.Pero hindi rin nagtatagal yun at umaalis agad.Ewan ko ba sa batang iyon!"di makapaniwalang sagot ni Manang.

"Pero Manang may isang tanong pa po ako.Gaano po ba katigas ang ulo niya?"

"Naku hija!huwag ka nang magtanong dahil hindi mo magugustuhan ang sagot ko.Yang batang yan sobrang tigas ng ulo.Ewan ko ba sa kaniya.Noon,nung buhay pa ang mgamagulang niyan hindi naman siya ganyan.Nagbago na talaga ang alaga ko simula nung namatay si Maam at Sir.Naawa nga ako kay-"

"Manang Nerisa?Andito po ako.Sorry ngayon lang ako nakauwi.Andami ko kasing ginagawa sa condo ko"naputol ang sasabihin sana ni Manang nang may nagsalita sa likod ko.At nang marinig ko ang boses na yun.Para akong nanglalamig sa kinauupuan ko.Hindi ako makagalaw.Hindi ako makatayo o kahit ano paman.

LOVE SERIES 1:Capacity of Love[Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon