"Pag tumigil ang ulan, tatakbo ako. Hahabulin mo ako. Pero hindi mo ako maaabutan, dahil haharangan ka nila. Pipigilan ka nila, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para iwasan ka."
Hindi siya nakasagot. Nagpatuloy si Paula sa pagsasalita.
"Sa oras na tumakbo ako, hindi mo na ako makikita. Aalis ako. Hindi na ako babalik. Isinusumpa ko, hinding hindi na ako babalik. Mawawala nalang ako na parang bula. It's as if I never have existed. Mangyayari yon. Kaya kong gawin yon."
"Wag kang umalis." puputok putok na ang boses niya na parang papaluha na. "Wag kang umalis."
"HINDI MO BA NAIINTINDIHAN?!" Sumigaw siya ng malakas. Umaagos na ang mga luha mula sa mga mata niya. "ANG TANGA TANGA MO TALAGA!"
"WAG KANG UMALIS!"
"SABI MO, MAHAL MO AKO, HINDI BA?!"
Natahimik siya. Unti unting humarap si Paula, basang basa ang mukha ng hindi mo alam kung luha ba o tubig ulan. She's as beautiful as the first time he saw her. Hindi na niya napigilan ... tumulo nalang bigla ang mga luha niya. Gusto niya itong yakapin, gusto niyang lumuhod at magmakaawa na wag na itong umalis. Pero ... napako siya sa pwesto niya ... walang magawa.
"Sabi mo ... diba?" sabi ni Pau, with that forced smile of hers. Batid na batid niya ang sakit ... ang pagdurusa na nasa likod ng mga ngiting iyon.
"Higit pa sa buhay ko."
"At kung mahal mo, ayaw mong mawala sayo, hindi ba?" sabi niya, tila nahihirapang magsalita between sobs. "Ayaw mo akong umalis hindi ba? Gusto mo, narito lang ako. You'd want me to stay."
"OO!"
"THEN FORGET ABOUT ME!"
Tila nagpanting ang tenga niya sa narinig. He clasped his fists and gritted his teeth with fury.
At si Paula ay nagpatuloy. "Forget about me. Kung ayaw mo kong umalis. Kung ayaw mo 'kong mawala ... forget about me."
"BULLSHIT, PAULA, PATAYIN MO NALANG AKO!"
Hindi na niya nakayanan ang sakit.
Napaluhod siya sa lupa, sa putikan, umiiyak ... humahangos.
The girl he loves the most ... she wants him out of her life. Matapos ng lahat ng pinagsamahan nila! Matapos niyang maramdaman kay Paula na mahal rin siya nito! Matapos niyang tanggapin na siya na talaga! Ito na yung babaeng seseryosohin niya, yung babaeng totoong mamahalin niya, yung taong gusto niyang makasama ... gusto siyang ... mawala.
Gusto ni Paulang umalis siya sa buhay nito.
"Please, Pau ..." nakaluhod siya. Nagmamakaawa. "Please ... sa akin ka nalang. Please, I beg of you, wag kang mawawala sakin, mahal na mahal kita. Sakin ka nalang."
Hindi makasagot si Paula.
"Hinding hindi kita sasaktan. Kahit gawin mo kong alipin mo, sige na. Wag kang umalis. Wag mo kong itaboy."
Bigla niyang sinuntok ng malakas ang basang lupa! Tumalsik ang putik sa puting puti niyang damit, pero wala siyang pakialam.
"BAKIT MO KO GINAGANITO!? BAKIT KUNG KAILAN HINDI KO NA KAYANG MAWALA KA SA BUHAY KO, SAKA MO KO GAGANITUHIN? WHAT HAVE I DONE TO DESERVE THIS?!"
Walang masabi si Paula sa kanya.
At sa isang iglap, isang pagkakataong hindi nila namalayan ...
... tumila ang ulan.
***
Hi! :) If you liked the story, please vote and comment. Thankyousomuch!
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
RomanceAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...