CHAPTER 9: Party Night 0.2

39 3 0
                                    

"Anlupit ng banda, diba?" tanong ni Syl, approaching their table.

"SYL, PARE!" Oliver shook hands with Syl, signifying na yung pinag awayan nila kanina, wala na yun. "Kanina pa kita hinahanap."

"Medyo busy lang, pre. Saka malayu-layo rin yung lamesa namin. Ayun, oh~" turo ni Syl sa table na nilisan nila kanina. "You can join us there. Tara? May upuan kami."

But Oliver ignored the offer. "Uhh, Syl, you know naman, Paula from II-A? Pau, Syl and Nat."

"H-hi," she says shyly.

Syl smiles politely. "Welcome to my house, Ms. Monteverde."

"Yes, welcome!" and she holds a hand out. Medyo lasing na rin si Natalie, kaya nang akmang kakamayan niya si Paula, natabig nya ang baso ng juice sa lamesa at tumapon it sa damit ni Paula!

Napaatras ito sa gulat!

Malamig at nagyeyelo pa naman ito!

"AGGGGH!"

"Oh, my Gosh! I didn't mean it, I'm sorry!" bulalas ni Nat, hiyang hiya sa nagawa.

"NATALIE!" Sigaw ni Oliver, galit na galit.

"It's okay, Oliver!" pigil ni Paula with a smile. "Uhh, pupunta nalang ako sa banyo ... to wash this off."

"Samahan kita~"

"No need. Tinuro mo na naman kanina kung saan." at nginitian rin ni Paula ang dalawang kasama. "So ... if you'll excuse me, I'll go ahead." and she left.

Pikong pikon si Oliver sa nangyari at hindi na niya ito pinigil pa, lalo nang wala na si Paula sa lugar. "Nat, I hope you didn't do that on purpose." sabi niya, nagngingitngit ang mga ngipin.

"I swear, hindi talaga!"

Oliver still wasn't sure kung sincere nga ba si Natalie sa sinabi o hindi pero ...

... nagkamali sila sa pag iisip na yun na ang huli.

Hindi pa tapos.

Saktong sakto ang mga pangyayari, that by the end of the song ...

"Uh-oh, I want some more,

Uh-oh, what are you waiting for?

What are you waiting for?

What are you waiting?!

Here we go again ...

Here we go again ...

Here we go again ...

Say goodbye to my heart tonight ...

Uh-oh, I want some more,

Uh-oh, what are you waiting for?

What are you waiting for?

Say goodbye to my heart tonight ..."

BOOOOOOOGGGGGSSSSHHHHH!

SSSSPPPPPLLLOOOOOSSSSHHHHH!

Napatigil ang banda!

Lumingon ang lahat sa grand door ng bahay!

On it's little staircase was Paula, all smeared with thick, brownish liquid!

At biglang nangamoy ...

... TOYO!

BINUHUSAN SIYA SA ULO NG ISANG TIMBANG TOYO!

Everyone gasped.

Paula froze on her place.

Pati yung mga nasa banda, nakatanghod lang dahil nasa kabilang dulo ng lugar yung pinangyarihan ng prank!

If I End Up With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon