CHAPTER 7: Party Night

33 3 0
                                    

Sorry for not being able to update, guys ha. Ngayon lang nagkatime.

Actually, ipagtatapat ko na, ngayon lang sinipag. HAHA.

Naadik na kase ko sa Chinese/Japanese films, dunno why. KAADIK!

Lols.

K. Yun lang.

- derbe

***

The car smells like fresh pine kahit nakatodo ang aircon. Napaka-pleasant lang sa loob nito, hindi amoy mabahong athlete, hindi rin makalat kahit lalaki ang may ari. Walang nakalaylay na towel diyan at dito, at walang medyas na nakarolyo sa sahig tulad nang sumakay siya sa kotse ng pinsan niyang si Kuya Ubert.

Ngunit sa kabila noon, walang ginawa si Paula kundi nguyain ang balat sa gilid ng pisngi niya. She rubbed both feet together and clasped her sweaty palms contemplating with her wildly beating heart.

First time niyang makasama si Oliver sa sasakyan ... ng silang dalawa lang.

Ever since Oliver started noticing her, she's been counting all encounters. Ang pathetic lang.

First hi.

First time nyang tinawag ang pangalan ko.

First time akong kinausap.

First time akong inalok kumain magkasama.

First time akong yayain sa kung saan.

Etcetera ... etcetera ...

Kahit yung mga walang kwentang bagay, binibilang niya. Pathetic talaga.

Sooooo Paula.

"M-malapit na ba tayo?" hindi na siya nakatiis at nagtanong na.

One thing about Paula, kahit na gustong gusto niyang kasama lagi si Oliver, she just can't handle being around him too long. Alam mo yung pakiramdam na sobra na?

Hindi naman nakakasama, pero ... hindi lang nya kaya yung kaba.

O baka ... nasosobrahan lang sya sa kape?

"Yup. Konti nalang," Oliver smiled.

"K-kina ... kina Sylvester tayo pupunta diba?"

"Oo, bakit?"

"Yung ... daan ..." Pau rubbed her hands together. "Parang pauwi kasi ... sa inyo to ..."

"Pauwi samin?" Natatawa tawang sabi ni Oliver. "Alam mo'ng bahay ko?"

Oh crap, Pau thought.

Hindi mawala wala ang ngiti ni Oliver. "Yes, ma'am, we are currently driving through Dwight Subdivision at doon nga po ako nakatira, pero sa Phase 2 lang naman ang pupuntahan natin, so technically, we'll have to pass through my house first bago makarating kina Syl."

Tumango nalang si Paula. Wala siyang masabi. Soooobrang nakakahiya lang.

At eto naman si Oliver, feel na feel. "Ikaw, Paula ha."

"A-ano?"

"Stalker pala kita ah, hahahaha."

Paula blushed like there's no tomorrow!

"H-HINDI AH!" Defensive.

"AHAHAHAHA! Joke lang!" tatawa tawang sabi ni Oliver.

"EH HINDI NGA KASI!"

"Oo na, alam ko naman eh, hahahaha," sabi pa nito. "Oh, kitams? Edi na-relax ka rin ng konti. Masyado kang tensed. Chill ka lang."

Hindi maipinta ang mukha ni Pau. Ang awkward lang. "E-eh ... k-kinakabahan kasi ako ...."

If I End Up With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon