CHAPTER 18: False Truths

46 2 0
                                    

"Mr. Lizano, saglit lang po, hindi pa po kayo pwedeng pumasok,"

"I need to see my daughter, NOW!"

"Pero election day po ngayon, sir. Maybe you can wait for her at the office? Pinatawag na po namin silang tatlo. Doon po sila dederetso after voting."

"I have a meeting in less than 30 minutes. Kung may sasabihin man kayo sakin, sabihin nyo na ngayon. Kung wala naman, gusto ko lang makita ang anak ko at kakausapin ko sya."

"Mr. Lizano, we are so sorry pero hindi po talaga pwede ngayon. If you can just wait—"

"PA!"

Napalingon ang secretary of the principal at ang kanina pa niya pilit kinakalma na ama ng estudyante, isang hindi katangkarang lalaki na nasa late 30s na may mahabang buhok na panga, na medyo namumuti muti na ang ilang mga hibla.

It was Irish who called, both eyebrows crossed, wearing that worried look in her eyes.

Hindi pa tapos ang botohan, pero ilan sa mga estuyante ay nakaraos na sa mahabang mahabang pila.

And in the middle of that great commotion was this emergency meeting in the guidance councilor's office, kung saan dadalo sa paghaharap harap nilang lahat ang Principal.

Ipinatawag ngayong hapon lang rin ang mga parents at legal guardians ng tatlong estudyante— sina Irish, Amber at Natalie— who were accused of the bullying of Paula Monteverde. Hindi na sana aabot sa ganito kung umamin sila. Baka kung noon, may chance pa na hindi sila ma-expel tatlo, ngayon wala na.

So, they're parents are hereby called at school to discuss what to do with these three girls.

"IRISH!" Dinedma ni Mr. Lizano ang sekretaryang kanina pa siya inaawat pumasok sa school auditorium kung saan idinadaos ang eleksyon. "Anong kalokohan tong naririnig kong emergency at kailangan akong makausap ng Principal ninyo? You know how busy I am!"

Hindi makasagot si Irish.

Tinitigan niya ang mga paa niya, scratching her left toes with the right.

"WHAT DID YOU DO?!" Bakas ang pagkairita sa mga mata nito. "Kung kalokohan to, Irish, nako, sinasabi ko sayo— nakoooo—"

"Uhh, excuse me po," entrada muli ng sekretaryang nawala sa eksena. "Dun na po tayo mag usap usap sa Guidance Office para maliwanag po ang lahat. This way, sir."

Sighing, Mr. Lizano followed the woman, with this great, big frown on his face. Sa likod niya ay si Irish, tahimik na naglalakad, iniiwasang magsalita ng kahit na kaunti, kahit ba pansinin siya o batiin ng mga nadaraanan.

Sa Guidance Office, makikita ring naka-pwesto sa sarili nilang mga upuan sina Amber at ang kanyang Tita, si Nat at ang Daddy niyang napakalaking tao na hindi kasya sa upuan kaya tumayo nalang, at syempre, si Principal Evelyn Serrano, na mas kilala bilang Maam Eva.

Looks like they're all complete.

Binigyan sila ng upuan at nagtabi tabing kaharap ng Guidance Councilor.

Batid sa mukha ng mga magulang at guardians na hindi nila gusto ang pangyayaring ito ngayon. Iritable si Mr. Lizano, alalang alala si Mrs. Lipio sa pamangkin at si Mr. Hortaleza naman ay in-denial na di-umano'y walang ginagawang masama ang anak.

Kung gayon ay bakit sila pinatawag dito?

"I hope you all recieved the letter we gave your daughters," panimulang salita ng Guidance councilor— kalmado at may poise. "Kung gayon nga siguro, ay alam niyo na kung bakit namin kayo ipinatawag."

"Opo, natanggap ko po," sabi ng tita ni Amber.

"Ako rin," sagot ni Mr. Hortaleza, sabay titig ng masama sa anak niyang kanina pa ata umiiyak at may bakas ng luha sa mga mata.

If I End Up With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon