CHAPTER 3: Smart Talk

58 3 0
                                    

AKO ULET TO!

Sorry kung epal sa pagpapasintabi.

Nakakalimutan ko kasing isulat so nilalagay ko nalang sa chapter kung san at kung kelan ko naalala. So here goes:

THIS IS A WORK OF FICTION. Ang anumang mababasa ninyo na parang sumisimbulo sa isang tao o bagay o pangyayari ay nagkataon lang at walang basehan. Pati po yung mga LUGAR na nakasulat sa kwento-- Serrano High, Cordova (yung city kung saan sila nakatira), Solesmes Subdivision and etc., imbento lang po.

So ... hehehehe ... patulan niyo nalang.

TENCHU!

- DERBY




***




"Hindi ko lang po talaga mahindian yung tutorial na yon, pasensya na po."

Nanginginig ang mga palad ni Paula at pati mga tuhod ay nanlalambot. Panay ang kuyakoy at namamawis ang mukha.

Hindi talaga siya marunong magsinungaling kahit kailan. Yun nga lang simpleng pangongopyang nahuhuli nya sa mga kaklase, sinusumbong niya sa teacher, kaya medjo nakaka-irita siya para sa iba. Pinipilit niyang sundin kung ano ang tama, kung ano ang alam niyang nararapat.

Pero hindi na ganun ngayon eh.

Kailangan kang maki-uso. Kailangan kang makibagay.

Hindi ka pwedeng umepal nalang basta basta, or else, hindi ka magugustuhan ng mga tao.

You always have to please everyone-- at minsan nakakasawa na rin.

Hindi ka pwedeng kumilos ng hindi muna nag iisip dahil isang maling galaw mo lang, mitsa na ng kasiraan mo.

Isa yon sa pinaka-masamang pakiramdam sa lahat-- yung ... 

... yung papasok ka sa isang kwarto, tas titigan ka nila ng masama. Wala kang kakampi, walang tutulong sayo-- ikaw lang at wala nang iba.

Bullying.

Hindi masaya yun.

Paula adjusted her glasses. Napalunok siya sa kaba.

This is the first time she's gonna do something for her own, personal happiness. Kailangan na talaga niyang gawin to dahil pakiramdam niya, pag pinalampas niya ang pagkakataon, pagsisisihan niya ito habang buhay.

Kaya tinibayan nalang niya ang loob at pinagplanuhan kung anuman ang sasabihin niya ngayon sa harap nilang lahat. She's ready.

Or ... not.

"I promise, magrereview po ako. I never failed you, didn't I, Miss? Lahat ng projects ko, pinasa ko on time. Lahat ng assignments, ginawa ko in advance. I never plagiarized, I never went against the rules. Alam ko po, makakaya ko. Just until next month hanggang matapos yung exams niya-- saka na po ako babalik sa review session. Test me. I'll know all the answers by then."

Paula gasped. Hindi siya makapaniwalang nasabi niya ang lahat ng iyon. Tae, Paula, ang yabang yabang mo! Pero wala na siyang magagawa, lumabas na sa mga bibig niya mismo.

Paktay na. 

Irita nanaman silang lahat sa kanya, panigurado.

Annually, nagkakaroon ng isang malaking malaking paligsahan ng talino sa mga highschools sa buong Pilipinas-- ang Inter-high Decathlon. One of the most prestigious competitions there is, isipin niyo nalang na isa itong bonggang bonggang quiz bee kung saan maglalaban ang pinakamatatalinong estudyante sa bawat kilalang paaralan sa bansa.

If I End Up With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon