CHAPTER 24: Brown Eyes

15 2 0
                                    

Nalulungkot ako.

May work nanaman si Baby. :(

Well, not that I don't want him to ... namimiss ko lang kasi sya.

HAAAAAYYYYY. :/ Yan ang hirap pag araw araw mong kasama ang boyrfriend mo. T.T Hindi na ko sanay magluto, magcommute, matulog ng walang nakabantay, magmovie marathon ng mag isa, kumain ng walang kaagaw, etc etc.

I miss my Baby. :(

- DerbyMalandyyyy






***






BEEEEEEEPPPPPP!

BEEEEEEEEEEPPPPPP!

BEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPP!

"FUCK YOOUUUUU!" Sigaw ng isang lalaki sa loob ng sasakyan, itinataas ang gitnang daliri niya.

Ilan pang mga motorista ang muntik nang mabundol, mga naglalakad sa sidewalk na muntik nang masagasaan at mga traffic lights na dinedma lang. Mga U-Turns na illegal, mga one way na kalsada na diniretsuhan at mga pedestrian na halos atakihin na sa puso para lang makaiwas.

Lasing na lasing na si Ezra.

But then, he still rode his motorcycle as if he was on a race track.

Nagdrive lang siya, matulin na matulin, walang iniindang rules, walang pinapansin sa mga nagrereklamo-- mabuti nalang at hindi siya naaaksidente.

Ezra is an excellent driver.

Pero syempre diba, kailangan pa rin mag ingat?

Paul Walker is an excellent driver as well. Look at what happened to him.

Moreover ... he was sober back then. Paano pa kaya itong si Ezra na halos gumewang gewang na sa paglalakad sa sobrang kalasingan?

Well, may isip pa rin naman siya, at malinaw pa naman ang pang unawa niya. Hilo lang.

Hilong hilo.

He drove straight through the darkened streets of Cordova, knowing perfectly where he wanted to go.

In front of the old public library.

Hindi naman siya doon mismo pupunta-- actually alam na niya mismong iiwasan niya nanaman ang front gate at hindi man lang tititigan ang mahahabang hagdan paakyat sa building na iyon. He would look away and go straight to that tall motel in front and climb up the top, like how he always does it, this time of the month.

And he would stare at the library below and yell to the skies all his rants about how life is unfair and how the world is all but bullshit.

It had been a routine, and he never missed a month, ever since she left him last year.

Fresh na fresh pa rin lahat sa kanya-- lahat ng nangyari.

Kung paano sila ... unang nagkita ...

... sa harap ng library na iyon.

Sa mismong mga hagdan na iyon.

Sa tapat ng malawak na gate, katabi ng estatwa at the right end of the bottom of the stairs.

If I End Up With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon