"Wala ka ba talagang matinong damit rito?!" Nery frustratedly screams out.
Nagliliparan ang mga damit sa buong paligid. Parang isang gahiganteng tiyanggian ng mga imported at branded na damit ang buong kwarto ni Paula. Pero ... aanhin mo nga ba ang designer clothes ... kung wala ka namang fashion sense?
Kanina pa siya naghahalungkat sa closet ni Pau ng pwede nitong gamiting outfit for the party, pero wala siyang matagpuan kundi baduy na terno, mga knitted na palda, mga jogging pants at black shoes na pampasok sa skwela.
Great.
Just great.
Nery lifted a light brown top with only two fingers, animoy may hinahawakang nakakadiring bagay. "Errgh, ano to? Minana mo ba to sa mga ninuno mo, ha?"
"UY SOBRA KA NA HA!" Sigaw ni Paula, sabay agaw sa hawak nitong damit. "Ginulo mo lang yung cabinet ko eh~" at nagpulot pa siya ng mga nakasambulat sa sahig.
"Cabinet ang tawag mo jan?" bubulong bulong nito. "Parang baul lang eh."
"ANSABI MO?!"
"WALAAAA~" Tatawa tawa nitong sabi.
Nagsawa na rin siya sa paghuhukay ng wala namang pinatutunguhan. Wala. As in, wala talagang uubra sa mga nakita niya.
"Tara, shopping nalang tayo?" suggest ni Nery.
"Wala akong pera."
"DAGUKAN KAYA KITA!" Aamba amba nitong sabi. "Magwithdraw ka na kasi! Pride mo, eh nuh?"
Napa-ismid si Paula. "Ah basta. Hindi ako gagastos sa mga walang katuturang bagay. I swore to myself, maglalabas lang ako ng pera pag kailangang kailangan na. Kubaga, pag may emergency."
"THIS IS AN EMERGENCY!"
"Sayo," matigas talaga ang ulo nito. "Sakin luho lang yan. Dami dami kong damit eh, di ko na kailangan ng bago." Pumulot siya ng isang mey kabigatang blue jeans na mukhang maluwag sa kanya. "Pwede na yung mga ganito."
"Tantanan mo ko ng ganyan, Pau." tinapik nito ang kamay niya.
Nabitawan niya ang hawak. "ARAY!"
"Papahiramin nalang kita ng damit!"
"Wag na, that's too much trouble!"
"Nako, ikaw pa!" Pumulot si Nery ng ilan sa mga damit na kinalat niya. Dahil nga suko na siya, she's getting ready to put things back to where they should be. Nagliligpit na sila ngayon. "Kesa naman yan, oh, yang mga yan!" Sinipa sipa niya ang ilan pang mga damit na nakakalat sa sahig.
"Wag mo naman sipain, malilinis tong mga to eh." Paula grabbed one and sniffed it. "'Amoy paa mo na tuloy."
"AH GANUN?" At nagsisipa sipa pa siya ng ilang mga damit.
Hindi na siya nakakatulong.
Akala ni Pau kanina ay magliligpit na rin siya, pero eto. Lahat ng mga pinulot na damit ay hinagis lamang sa kanya at nagsisisipa-sipa. Tinawanan nalang niya ito.
When finally, Nery's eye caught something from under the bed. "H-hey, what's that?"
"What?"
"Yun, oh," she went down on one knee para silipin ang animoy kahon sa ilalim ng kama ni Paula. Tuppwerware box yun na halos kalahati ang laki sa kanina lang ay pinasabog niyang cabinet. Unfortunately, hindi ito transparent.
Hindi napigilan ni Nery ang curiosity, binuksan na niya ito agad agad without Paula's permission.
At laking gulat niya-- nakatiklop rito ang ilang mga sosyaling top at sexy jeans na fit na fit sa figure ni Paula.
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
Lãng mạnAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...