Mahirap maputulan ng wifi.
Alam ko naiintindihan nyo ko. :) HIHI
- derp
***
"We got to step up our game, guys. Tatlong parties tayong magkakalaban. Survey says na may laban tayo kumpara sa Intellectual. Pero pantay lang ang pagtingin ng tao sa atin at sa National, kaya konting push pa. Kayang kaya natin to, guys! One week nalang at magkakaalaman na. ARE YOU WITH ME?!"
"YEAH!"
"THEN, GO, GO, TRADEMARK!"
"GO, GO, TRADEMARK!"
Ang sigawan ay nasundan ng masigabong palakpakan.
Maghapon silang nasa room na pina-reserve para sa kanilang partido. Konting kembot nalang ay mage-eleksyon na-- nagawa na nila lahat ng magagawa nila.
Bukas na bukas rin ay haharap na sila sa buong eskwelahan-- ang final presentation para makita ng mga estudyante kung anong balak nilang baguhin sa SPHS, kung anong mai-ooffer nila bilang bagong council representatives at kung anong ika-uunlad ng paaralan pag sila ang binoto.
Hapon na ngayong araw ng Lunes, at ia-adjourn na sana ni Nery ang meeting but before doing that, she just had to give one last word.
There are three parties running for spots in the student council.
First is Intellectual, isang partidong binubuo ng pinaka-matatalinong estudyante ng buong Serrano. The honor students, mga panlaban sa quiz bees, mga mathletes at kung anu ano pang bagay na kinakailangan ng malaking malaking utak. Yun nga lang, di sila masyadong benta. Mayayabang kasi-- palibhasa'y matatalino.
Second is National, isang partidong binubuo ng mga aktibista at mabubungangang myembro ng press club. Sumali at nangangarap na ma-elect para magkaroon ng boses sa pamamahala sa school. Binubuo ng mga reklamador na estudyanteng wala ginawa kundi umapila regarding sa pagtaas ng tuition fee at pagkakaroon ng low quality toilet paper sa mga CR.
At huli ay ang partido nila Nery, ang Trademark, na binubuo ng lower-classmen na gustong magprotesta laban sa walang humpay na pambubully ng mga seniors at nais makamit ang hustisya sa nangyayaring paglalagay ng label sa bawat klase ng estudyante sa Serrano. Nais ng grupo na i-promote ang equality among students, at mawala na ang pagkakaiba ng pagtrato sa mayayaman at mahihirap, sa magaganda at pangit at kung ano pa man that concerns the school's status quo.
Bawat partido ay may magandang hangarin sa pamamalakad.
But Nery believes that their party deserves to win this thing.
Pero ewan lang.
Ang paaralan pa rin ang huhusga.
Nagsimula nang magligpit ng gamit nila ang buong grupo para umalis, nang may biglang kumatok sa pinto.
Napalingon silang lahat.
One of them opened the door for a guy in red, carrying a huge, flat, carboard box. "PIZZA DELIVERY!"
"Did anyone order pizza?" tanong ng babaeng maliit na kulot.
Walang nagsalita sa grupo.
Hinarap nung babae ang delivery boy. "Kuya, baka maling kwarto napuntahan mo."

BINABASA MO ANG
If I End Up With You
RomanceAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...