*Inhale ... exhale ...*
I did what I can, It's not my fault. Isa pa, ang tunay na kaibigan, kahit ano pa mang gawin nung isa, maiintindihan nung isa diba?
Diba?
*Inhale ... exhale ...*
I only did what I thought would make her happy! Hindi ko siya kayang makitang ... ganun! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag bumalik muli siya sa dati!
She is not a loser-- I know in my heart that there is a winner inside of her!
I just need to let that person come out of her shell!
Wala na kong maisip pa!
Ito nalang! Imbis na ... imbis na patuloy niyang kaawaan ang sarili niya, ganito nalang!
*Inhale ... exhale ...*
Mali ba yung mga pamamaraan ko?
Bakit ba ako nasasaktan ng ganito?
I brought this all to myself ... wala akong karapatang magreklamo!
Ginusto ko to ... para sa kanya! Gagawin ko lahat ...
... para sa kanya.
She's my bestfriend.
DIIIIIINGGGGG, DOOOOOOONNNNGGGG! - Ring ng doorbell na dumagundong sa buong bahay.
"AY, BUTIKI!" Napasigaw si Nery sa gulat!
Tumayo siya mula sa pagkakayuko sa mesa.
"LINTIK NAMAAAAAAAN!" Pagdadabog niya, pinapadyak ang mga paa sa kahoy na sahig. "Sino ba kasi yaaaan?! Kairita naman,"
She was at the kitchen-- baking.
The moment the doorbell rang, ay ang mga panahong ingat na ingat niyang ginuguhit ang icing ng binake niyang Custard Cake. Halos hindi na siya gumalaw at bilang na bilang ang bawat pagkakataong hihinga siya.
Pero sa isang iglap lang, lumagpas yung pinagkaka-iingat ingatan niyang design sa cake.
Sira na, wala na.
"NERISSA! SI PAULA! PAPASUKIN KO HA," Sigaw ni Aling Helen, ang mama niya.
Nanjan si Pau?
Napalagok si Nery.
No, no, no, she's not ready.
Wala siya sa mood makipag harutan.
Hindi nya alam kung bakit pero ... parang hindi niya feel makita ang kaibigan nitong mga nakaraang araw.
Supposedly, dapat sasabihin niya kay Aling Helen na pagtakpan siya like always, at sabihin kay Paula na tulog na siya, o umalis siya ng bahay. Pero ... huli na ang lahat.
Natanaw nalang niya ang kaibigang excited na tumatakbo patungo sa kusina.
May dala itong pagkalaki-laking bagpack at isang galon ng ice cream.
Napaka-laki ng ngiti sa mga labi nito.
"Dito ako matutulog!" sabi niya, masayang masaya.
Nery sighed. "Says who?"
Pumasok si Pau ng walang pasintabi at nilapag ang bagpack sa katabing upuan. "Sabi ko. Bakit, may angal?"
"May ginagawa ako." sabi ni Nery. "Marami." Sinumulan na ni Nery ligpitin ang mga nakakalat na kagamitan sa pagbe-bake sa cupboards.
Paula, on the other hand, saw the cake, at takam na takam rito. "Parang masarap yan ah,"
"Don't touch that, that's not for you." sabi nito, removing her stained apron.
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
RomanceAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...