CHAPTER 31: In Denial 0.1

8 1 0
                                    

"Oh mga brad, san tayo kakain? Grabeeeee gutom na gutom na ko." pagyayaya ni Oliver sa mga kagrupo.

They just finished 2 hours of practice at walang ibang pinagawa ang coach nila ngayong araw kundi patakbuhin sila sa field na pinuno ng obstacles. To improve agility daw, sabi ng Coach.

Halos mamatay ang team sa sobrang pagod, pero heto si Oliver at napaka-cheerful pa din.

Prince was panting, both hands on his knees. "Putek yan, paupuin nyo muna ko, 5 minutes lang."

"Dun ka na umupo sa kakainan natin." sabi ni Oliver, tinutulak tulak pa ang kaibigan. "Hinang hina ka naman agad, wala pang ngang 5 laps yung ginawa mo eh."

"Puyat kasi ako sa tugtog tol, maawa ka naman!"

Oliver laughed teasingly. May banda nga pala ito.

Nang mahimasmasan si Prince ay lumakad na ang grupo. They were almost complete, if it weren't for Syl who chose to be left behind.

Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nag uusap ni Oliver.

Walang pansinan kahit magka-team sila. Kahit civil conversations, wala.

"Hindi ba sasama yun?" tanong ni Oliver kay Surge, nililingon si Syl na nasa bleachers, umiinom ng Pocari. "Tanungin mo nga."

"Ayaw nya eh. Inalok ko na."

Nagkatinginan pa sila ni Syl bago sila makaalis. He rolled his eyes at Oliver.

"Huh." Oliver said. Di pa rin siya nakakamove on? Problema niya?

"Ang tagal nyo namang magbati." reklamo ni Prince, both hands on his pockets. "Mauna ka na kasi. Kasalanan mo naman eh."

Oliver's eyebrows met. "Sus. Para namang tatanggapin nya yung apology ko. Eh sintigas ng bakal yung utak nyan eh."

"Andami mo nang sinasabi, di mo pa nga sinusubukan."

Oliver didn't say anything.

Totoo naman eh.

For weeks now, ginusto naman talaga ni Oliver kausapin si Syl, pero hindi nya alam kung paano sisimulan. Hindi pa sila nag aaway ng kaibigan kaya hindi nya alam kung papano aayusin.

Magkababata silang dalawa at sobrang close.

Who would've thought na ang Natalie Hortaleza lang na yon ang magiging rason para magalit sila sa isa't isa?

"Haaaayyyy," bumuntong hininga si Oliver.

Sira na ang araw niya ngayon.

But wait ... hindi pa pala.

Biglang dumaan si Nery at ang vice president niya, at parang seryoso ang usapan ng dalawang ito.

Napangiti ang loko. Tignan mo nga naman. Hindi mapigilan ni Oliver ang saya niya ng makita si Nery. He's been in the field all day at ngayon lang niya ito nasilayan. Ang ganda niya talaga pag seryoso.

"NERY!" tawag niya rito, his eyes glistening.

Parang on-cue yung mga katropa nya na agad kay Nery ang tingin.

Napalingon sakanya ang babae.

"HI! Need some help?" he politely asked.

Pero hindi ito sumagot.

Umiwas ito ng tingin, at naglakad ng mabilis kasama ang vice president na takang taka rin naman sa ikinilos nito.

Nagsalubong ang kilay ni Oliver.

If I End Up With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon