"SIGE LANG, INOM PA MGA PARE! EVERYTHING IS ON ME!"
"Grabe, totoo ba to? Nanlibre ka?! Ang pinaka-kuripot na tao sa balat ng lupa?"
"Shut up, man. Pabayaan mo nalang siya." Ngingisi ngising tinabig ni Archie ng malamig na boteng hawak niya ang pisngi ni Prince.
"AGGGHHH," Napaatras ito sa pagka-gulat. "Gagi to,"
"AHAHAHAHA! Isa pa, isa pa, gusto ko yun!"
Tinitigan nilang lahat si Ezra na nakatayo sa harapan nila, parang baliw na kanina pa tawa ng tawa. YES.
Marunong palang tumawa si Ezra.
And another thing-- lasing na nga rin siya.
"Tae ka, anlikot mo, maupo ka nga!" sabi ni Archie, hinihila siya sa pantalon para maupo, pero ayaw nito.
Nakatayo siya, nagtatatawa, nagsisisigaw, sabay lagok ng alak ng paulit ulit. Nakakarami nanaman siya, as usual. "WAG MO NGA KO PAKEALAMAN!" Sabi pa niya, at naglabas ng kaha ng sigarilyo, attempting to light a piece.
"Bawal dito yan, gago!"
"Nagpaalam ako, anong bawal?" tinuloy pa rin niya ang pagsisindi. "It's my day, okay? Wag kam' makealam. Uupakan kita~"
9pm pa lamang ngunit walang taong pumapasok sa Origin.
Paano ba naman? Napagbigyan si Ezra ng may ari na sila lang ang gagamit sa buong club.
Bakit nga naman hindi sila pagbibigyan? They've been an awesome band-- attracting lots and lots of customers.
Ever since Archibald started performing here, gabi gabi nalang jam-packed ang buong lugar. They owe it to the band for being so awesome.
And of course, alam ng may ari kung paano alagaan ang mga bata niya-- sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila sa maliliit na pabor na tulad nito, every once in a while. Especially if it's made by Ezra, whom you would never expect to ask favors from anybody. Well, hindi naman malaking kawalan yung hindi pagbubukas ng isang gabi.
Afterall, having Archibald as the club's regular performing band, tiba tiba na sila, at ang kinikita sa loob ng isang gabi ay halos katumbas na ng dalawang araw noon. Madali lang nilang mababawi lahat ng ito.
Plus, Ezra is paying naman. Kahit na ba iinsist ni Ate TinTin na wag na, makulit ito. In the end, mas pipiliin pa rin niyang wag magka-utang na loob sa kahit na sino.
Napapadalas ang inom ng tropa.
Ikaw ba naman magtrabaho sa club, as if naman hindi ka mapapa-inom.
Good thing, hindi pa tinutubuan ng beer belly ang mga lalaking ito-- nababawi rin sa excercise-- wahahaha.
Bigla bigla ay hinubad ni Ezra ang damit sa harap nilang lahat!
Well, no big deal. Si ate Tin lang naman ang babae rito ngayon, at sanay na rin naman siyang nakakakita ng ganito. Moreover, shirt lang naman.
"Init na! Buksan niyo nga yung aircon!" sigaw nito, pino-pony ang mahaba niyang buhok.
"Asa ka pa!" sigaw ni ate TinTin from the kitchen. "Magyoyosi yosi ka rito sa loob, tas ipapabukas mo yung aircon? Patayin mo yang sigarilyo mo!"
Nginitian lang siya nito na parang tutang nagpapa-cute. "Joke lang, ate. Hehehe~" napaupo ito sa bandang stage, gegewang gewang, pero hawak pa rin ang baso niya ng alak. "Cheers para sa ating lahat! Ang gagaling natin talaga, sobra! I LOVE YOU GUYS SOOO MUCH!" Sabi nito, sabay lagok.
"Cheers," ngingisi ngising sabi nina Nate, Archie at Troy.
Habang si Prince ay gulong gulo at nakikisunod lang sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
RomansaAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...