"ULITA NGAAAAAA!" Sigaw ni Nery na para bang wala nang bukas.
Halatang halatang nagpapanic na ito. Kasi naman, bukas na ang exams, wala pa rin siyang nage-gets sa Algebra. She immediately went to Paula's house for a sleep over, which was actually supposed to be a study session. Yun nga lang ... parang siya lang rito ang may ganang mag aral.
"Ililipat ko yung X ha. O yan, negative na siya. Tapos divided by 2 ... tama?"
No answer.
"HUUUUUYYYYY!" Binato siya ni Nery ng isang malaki't medyo matigas tigas na unan.
"ARAY!" Paula reacted. "Ano ba?!"
"Hindi ka naman nakikinig sakin ih!"
Paula made a face, avoiding her gaze. "Nakikinig kaya."
"Ano ngang sabi ko?"
"Kung ididivide sa 2! Malamang, para matanggal yung 2." She stood up, and went for the study table. Tinuro niya ang notebook ni Nery. "Baba mo to, multiply mo. 6 ang sagot."
"TSEH!" Iritang sabi ni Nery as she stood up and jumped on Paula's soft, fluffy bed. "Multi-tasking ..." bulong nito.
Naka latag rin sa kama ang laptop ni Pau. Nagfefacebook lang pala ito all this time. Letse naman, she thought. Kung pinanganak lang sana kong matalino sa math. Her index finger scrolled through the mouse pad. Kadalasan, wala namang pakealam si Paula kung ano man ang kalikutin niya sa computer nito.
Pero parang iba ata ngayon.
Nag-panic si Pau at nanlaki ang mga mata. "Layuan mo yan."
Kaya pala. Busing-busy.
"In-fairness ha, ang gwapo niya rito."
Wall yun ng ... ibang tao.
"TANTANAN MO NGA!" Agad na sinarado ni Paula ang laptop niya.
Napangisi si Nery. "Suuuuuuuus ... Kung titigan mo lang yung picture niya forever, wala kang mapapala."
"Mag aral nalang tayo, girl!" Niligpit ni Pau ang laptop, putting it on top of her study table.
"Mag aral?" Nery rolled her eyes. "Kanina pa ko nag aaral! Eh panay stalk lang naman kay Oliver ang ginagawa mo jan!" Humilata si Nery sa kama, facing the ceiling. "Pau, junior high palang, kinalolokohan mo na yang lalaking yan. 2 years nalang, gagraduate na tayo oh. Wag mong sabihing wala ka pa ring balak?"
Paula felt a hump on her throat. Napa-lunok siya sa sinabi ng kaibigan. "Balak ano? Na magtapat? Excuse me, Neh ha, babae pa rin ako."
"Alam ko, pero HELLO? Iba na kaya ngayon!" Tumayo si Nery at ginitgit si Paula. She looked so excited. "Si Mich Liggayu nga ang nagpropose kay Jam bago siya ..." napatigil si Nery. "Bago siya ma-deads." and she pouted.
"GAGA!" Paula exclaimed. "Wag mong idamay ang Jamich, lokaloka ka. RIP Jam." napasign of the cross ito. "Isa pa ..." she paused. "Hindi niya ko type."
"Paano mo nalaman?"
Pau rolled her eyes, making her face as expressively sarcastic as she can. "Neh ano ba? Look at me!" Patalon siyang humiga rin sa kama at nagpatalbog talbog siya rito bago ganap na lumapag ang likod niya sa kutson. "Ni wala ngang nagkaka-crush sakin, kahit yung mga normal lang na lalaki sa school, si Oliver Espino pa kaya?"
Hindi kalokohan ang mga pinagsasasabi ni Paula.
Hindi naman kasi siya talaga ... kagandahan.
Pinong kulot ang buhok na itim na itim. Oily ang mukha at tigyawatin. Makapal ang kilay na sabog. Naka-braces, naka-glasses, very typical nerdy ang itsura niya. Halos araw araw, haggardness at bad hair day.
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
Storie d'amoreAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...