Para malinaw lang po, may Junior and Senior high na sa Serrano. :) Therefore, hindi illegal ang pag inom nung mga guys kasi 18 and above na sila.
Baka isipin nyo, bad influence sa young readers ang story.
I'll be implying yung K-12 curriculum rito, pero yung sa Japan ang sinusundan para kewl :P
So, bale, may 2 years for junior high, effective automatically after Elementary, followed by Senior high na 4 years ang abot.
So, yung mga 18, or turning 18, o baka lagpas lagpasan na (basta nasa age-span na iyon) ay magfi-1st year College pa lamang.
So, silang mga sophomores ay 16 pa lang.
At napansin kong naka-tatlong SO ako. Redundance. Eww.
Yun lang.
CHOLOMOT!
-Derbs
***
"Ganun ba talaga kahirap isoot yan? Naiinip na ko~" Nery throbbed her right foot on the linoleum floor.
Nasa labas siya ng pinto ng banyo niya, hinihintay si Paula na mga 20 minutes nang nagkukulong sa loob.
"P-Pwede bang ... mag-flats nalang ako? Hindi ko ata kakayanin to ..." mangiyak ngiyak na naman ang isa sa loob, nakaharap sa sarili niyang repleksyon sa salamin.
BLAGGHH, BLAAAGGHHH! - Nery banged the bathroom door. "ANG ARTE MO!" Sigaw nito, halatang inip na. "Just get out of here and let me have a look at you! Me-make up-an pa kita, tandaan mo yan! In a few minutes, darating na si Oliver!"
Indeed, kaka-tex lang ni Oliver that he was on his way.
"NOT NECESSARY!" Paula was talking about make-up-- hate na hate niya ang pakiramdam ng makapal na padding na nakatapal sa mukha niya.
She never liked wearing make-up, kahit na sa mga okasyong mahahalaga. Kahit nga pulbos, irita siya sa pakiramdam eh. The last time she wore make-up was in Grade 6, kung saan nagsimulang umusbong yung mga tigyawat niya sa mukha. Allergic ata siya dun sa brand-- ewan-- basta nangyari nalang.
At ang pimple marks, craters at warts na tumubo ...
... hindi na kailanman nawala.
"Halika na rito, Paula~" pagbabanta ni Nery. "ISA!"
"OO NA, ETO NA, ETO NA!" She turned the doorknob, then hesitated before coming out. "Don't laugh."
Lumabas siya ng nakapikit, afraid of what her friend might say.
She knew very well na hindi siya maganda, kahit na gaano pa kaganda ang soot niyang sleek, black top, a red, velvet and intricately printed skirt and black pointy heels.
She's still plain, ugly Paula, and she's aware of that.
"S-so?" dinilat niya ang kanyang mga mata.
"AYAN!" Nery held both arms out. "Ang sexy mo, friend!"
Inirapan lang siya ni Pau, sabay upo sa kama. "Sexy." she says sarcastically. "Katawan. Pero leeg-pataas, wala nang pag asa."
"Ano ka ba, make up lang ang katapat nyan!" kinuha ni Nery ang suklay at sinimulang hagurin gamit nito ang buhok ni Pau. Meyo mahirap-- guray guray kasi at sabit sabit. "Iparelax kaya natin tong buhok mo? O rebond? HAHA! Exciting! Tapos ..." Tinanggal ni Nery ang salamin ni Pau. "... magcontact-lens ka nalang! Ngayong gabi lang naman eh."
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
RomansAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...