CHAPTER 11: Awkward, No More

94 3 2
                                    

Odiba, isang beses lang nag-update, maramihan agad? Lels.

Paramdam lang ng konti. Hee hee.

-Dirbi

***

Pauwi na sila at hindi pa rin mapakali si Paula.

Oo, maghapon siyang kinukutya, pinagtatawanan at inaasar ng mga schoolmates niya dahil nga doon sa nangyari sa party.

Somehow, nawirduhan siya sa sarili coz they didn't get to her at all anymore-- parang lahat ng pang aasar at pagtawa ng mga tao ay wala nalang sa kanya ngayon. Hindi siya naiinis o naiiyak o napapahiya-- dedma nalang.

Parang ... nabura ng narinig niyang confession ni Oliver lahat ng stress niya sa katawan at imbis na magmukmok, sobrang saya niya.

Masayang masaya siya sa narinig.

This is a good day for Paula Monteverde.

"Tingin mo kaya, totoo yun?" yakap yakap ang mga libro niya, ngiting ngiti siya sa langit habang naglalakad ng pakandi-kandirit. "Totoo kayang ... gusto rin ako ni Oliver?"

Ngunit hindi nagsalita si Nery na kasabay niyang naglalakad.

"Haaaaaaay, parang imposible~" she smiled. "Grabe, totoo ba to?! Lord, sana hindi ako nananaginip ng gising!" then she turns to Nery again. "Nehh, sabihin mo-- nandun ka rin naman. Narinig mo yung sinabi niya diba? Sa tingin mo kaya totoo yun? Diba? Diba totoo yun?!"

Ngunit tulala si Nery at malayo ang tingin.

Wala namang natatanaw.

Kaya tinulak siya ni Paula! Yung nga lang ... medyo napalakas. "HUUUUUY!"

"OWWWW!" Nagalit ito. "MASAKIT AH!"

Nanlaki ang mga mata ni Paula sa gulat. Nainis si Nery? Totoo ba to? Alam naman niyang joke lang yun. "Uy, okay ka lang?"

Nery sighs, magkasalubong ang kilay. "Uhh, yeah. Pasensya ka na ha. Nase-stress lang talaga ko sa election. A while ago, nagpresent kami ng kanya kanyang pangangandidato sa school board. Alam mo na-- ako lang naman ang nag iisang incoming Junior na running for presidency. Lahat sila, Seniors na next year. Sino ba namang senior ang gugustuhing sumunod sa lowerclassman niya? Kaya kanina, hindi ko alam kung napapraning lang ba ko o talagang pinagtutulungan nila ko. Sobrang ... intimidating lang talaga ng mga tao."

Minsan lang mag-rant si Neh. Kadalasan, siya ang gumagawa non. Nery's role in their tandem is to cheer her up, kaya weird ito na si Nery ang nagsasabi ng mga problema niya.

She listened to her intently.

"Saka andami ko pang pinagsisigawan kaninang umaga. Bago ka dumating, may isa pang girl na muntikan kong ibato yung phone niya-- ayun nagsumbong. Minus the points. Isama mo pa ang littering at public scandal dahil pinagtutuklap ko pa sa pader yung posters mo. I hope the board can understand what I did, kasi hindi talaga maganda yung image ko sa kanila ngayon eh. Ang ... ang warfreak ko daw ... at hindi magandang ehemplo yun sa pagiging Student Council president. I have to step up my game. Kailangan kong bumawi, kundi matatalo talaga ko, Paula. Ilang Linggo nalang~"

Paula sighed, staring at her friend worriedly. Then ... she pinched her cheek. "Ikaw ba yan?"

"Ha?"

"That's not the Nery I know." sabi nya. "Last time we talked about this, excited na excited ka sa presentation. Alam kong handang handa ka."

"I just don't think I can focus right now. Para kong ... wala sa hulog-- alam mo yun?"

If I End Up With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon