Sorry pero off topic tong sasabihin ko.
May mga pet owners ba jan? :) Particularly, cats?
Sasabihin ko lang ha, WAG PO SANA KAYONG MAGING BREEDISTS.
Nakakalungkot lang kasi yung discrimination. Kapag may breed, alagang alaga, tas kapag Puspin lang, kahit magkasakit, hindi man lang magawang ipatingin sa vet kasi lugi daw.
Parepareho lang silang mga hayop.
Kung totoo kang magulang, hindi ka mamimili ng anak.
I personally despise people like that.
Ang tunay na may concern sa mga hayop, aalagaan siya, kahit ano pang breed niya.
Sana hindi kayo ganun guys.
HAAAAAAAY, Sorry din, nadamay pa kayo sa gulo namin dito sa bahay. BALIK NA NGA TAYO SA STORY!
PS. Please pray for my dear baby Shiny (puspin) dahil may respiratory syndrome siya, and my family just wouldn't help me get medicine for her coz she's just a cat nga daw na napapalitan rin.
FVCK.
Well, screw them coz I'll do everything that I can to save my poor baby.
KAY! Totoo na to.
Back to the story.
- derpderby
***
Lumipas nanaman ang isa pang Linggo na sing bilis ng pag-dissolve ni Bagyong Chedeng sa Pilipinas. Christmas break is nearing and people are starting to lose enthusiasm with school. Unti unti nang nababawasan ang mga pumapasok, at ang katwiran ng mga ito'y malapit na naman na raw magbakasyon.
Matapos ang milagrosong Sabadong iyon kung saan himalang pinansin muli siya ni Nery ay bumalik nanaman ito sa dati nitong kasungitan.
Paula still doesn't know what's happening to her.
But she keeps on convincing herself that it's all because of the election.
Just that, and nothing more.
Yun nga lang, di nya talaga magawang pigilan ang sarili sa pag iisip.
Nag aalala siya.
Heto nga at katatapos lang ng History class. Nag-ring na ang bell, indicating that's it's already time for a break. Nagtayuan na ang mga estudyante agad agad para lumabas ng kwarto.
Isa sa mga ito si Nery.
"NEHH! WAIT LANG!" Agad agad na pinagliligpit ni Pau ang mga gamit para habulin ito.
Lumingon si Nery, straight face, at hindi nagsasalita.
"Sabay na tayo mag lunch." sabi ni Paula. "Libre ko."
Ngumiti ito ng kapiranggot. "No, thanks. I have a meeting."
"10 minutes pa, wag ka nga!" She smirked at her bestfriend. "Kala mo hindi ko alam ang schedule mo ha. Papalusot ka pa."
Pero hindi man lang ito natinag. "I have to be early. I'm running for president, right? I have to be punctual. Can you not understand that?"
Nagulat si Paula sa sinabi nito. "I-I'm sorry." napaatras siya. "Nehh, namimiss lang kasi kita. Hindi na tayo sabay kumain saka umuwi. Hindi ka na rin pumupunta sa bahay. Pag pumupunta naman ako sa inyo, palagi kang wala, o tulog na. Hindi na ko makatyempo ulit, parang nung Sabado?"
BINABASA MO ANG
If I End Up With You
Roman d'amourAll she wanted was to love and be loved, pero niloko lang siya ng mga taong pinakamamahal niya. Now she's back, and no one can stop her from getting her juicy revenge! Pero kakayanin ba nyang saktan ang pinakamamahal-- ibalik lahat ng sakit, at gum...